Kathryn Gustong-gusto ni direk Cathy

May 20, 2019
Kathryn Bernardo

BUKOD kay John Lloyd Cruz (na magda-dalawang taon nang naka-indefinite leave sa showbiz), ang isa pang paborito ng box office director na si Cathy Garcia Molina ay si Kathryn Bernardo na apat na beses na niyang nadirek.

Nauna ito ang “She’s Dating a Gangster” na pinagtambalan nila ni Daniel Padilla in 2014 na sinundan ng dalawang magkahiwalay na pelikula in 2018 ang “The Hows of Us” na siyang may hawak ng record ng biggest Filipino grossing film of all time na ipinalabas in August 2018 at ito’y sinundan ng balik-tambalan sa pelikula nina  Sharon Cuneta at Richard Gomez sa pelikulang “Three Words to Forever” na ipinalabas naman nung November 2018.  Sa taong ito ng 2019  ay dinirek din ni Direk Cathy ang first movie ni Kathryn with Kapuso prime actor Alden Richards sa pelikulang “Love, Hello, Goodbye” under Star Cinema na kinunan pa sa Hong Kong at naghihintay na lamang ng playdate sa mga sinehan.

Gustung-gusto umano ni Direk Cathy si Kathryn dahil sa pagiging sobrang mabait nito at pagiging professional sa kanyang trabaho.

Since nakatakda nang mag-quit this year sa pagdidirek si Direk Cathy, malamang na ang pelikulang ”Love, Hello, Goodbye” ay isa sa kanyang last movies.

Sayang naman.