Kathryn muntik mag-walk out sa set

July 10, 2019
Kathryn Bernardo, Cathy Garcia-Molina and Alden Richards
Kathryn Bernardo, direk Cathy Garcia-Molina & Alden Richards

SA kabila ng pinagdaanang hirap ng lead stars ng “Hello, Love, Goodbye” na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards  sa month-long shooting nila sa Hong Kong na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, napawi ang lahat nang mapanood nila kahit ang trailer pa lang ng pelikula.  The stars practically went out of their comfort zone para mailabas nila ang mga character na gustong makuha ng director and they they did it well, according to Direk Cathy.

Hindi ikinaila ni Direk Cathy na on the verge na umano si Kathryn sa pagwo-walk out from the set sa galit sa kanya. Pero hindi ito nangyari dahil alam ni Kathryn ang gustong ma-achieve ni direk sa kanyang character as Joy na nagta-trabaho bilang isang domestic helpher sa Hong Kong habang ang character naman ni Alden bilang si Ethan ay nagwo-work sa isang bar as bartender.

Ultimo ang mommy ni Kathryn at handler nito ay pinalayo ni Direk Cathy sa young actress habang sinu-shoot nila ang mga eksena nito at ma-immerse nito nang husto ang character na kanyang ginagampanan.  

“Magalit ka na sa akin, murahin mo na ko, kahit ano pa tatanggpin ko pero isa lang ang hiling ko sa `yo, huwag kang magwo-walk out,” kuweto ni Direk Cathy about Kathryn.