Kathryn nagpapakaabala sa negosyo, hiwalay muna kay Daniel

November 15, 2018
Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

HINDI na lamang isang successful singer-TV and movie star at celebrity endorser ang 22-year-old na  ka-loveteam at kasintahan ni Daniel  Padilla na si Kathryn Bernardo. Isa na rin itong successful entrepreneur with five branches of her nail spa, ang KathNails by KCMB sa loob lamang ng isang taon magmula nang kanyang buksan ang una nitong branch nung May 2017 sa The Block ng SM-North EDSA. Susundan pa ito ng dalawang branch and counting.

Sa tulong ng kanyang parents na sina Teodore at Luzviminda Bernardo, mabilis na napalago ni Kathryn ang kanyangnegosyo.  

Whenever Kathryn  is free from her showbiz commitments, she makes it a point na mag-ikot sa limang branches ng KathNails sa iba’t ibang malls sa Metro Manila.

Speaking of Kathryn, pagkatapos ng kanilang mega hit movie ni Daniel na “The Hows of Us” which broke all existing box office records na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, mapapanood muli si Kathryn (minus Daniel) sa upcoming movie release ng Star Cinema, ang “Three Words to Forever” kung saan tampok ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.  Dito ay kapareha ni Kathryn ang ex-PBB housemate at dating ka-loveteam ni Miho Nishida na si Tommy Esguerra.