Kaye ‘di pinagbabawalan ni Paul Jake sa gusto

January 17, 2019
Paul Jake Castillo, Kaye Abad and baby Paul Joaquin
Paul Jake Castillo, Kaye Abad and baby Paul Joaquin

LAST December 22, 2018 ay nag-1 year-old  ang first born ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Paul Joaquin. Binigyan ng mag-asawa ng carnival-themed birthday party ang anak.

Magka-birthday ang mag-amang Paul Jake at Paul Joaquin.

Paul Jake turned 34 last December 22 habang 36 (turning 37 on May 17) naman si Kaye.

Samantala, kasama si Kaye sa cast ng bagong ginagawang  TV series ng Kapamilya network, ang “Nang Ngumiti ang Langit” na pinangungunahan ni Cristine Reyes. Kasama rin sina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Keempee de Leon, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Ces Quesada, Rafael Siguion-Reyna, Matet de Leon, Sophia Reola at iba pa.

Nagpapasalamat si Kaye dahil hindi siya pinagbabawalan ng kanyang mister na si Paul Jake na ipagpatuloy ang kanyang acting career.