KC and French boyfriend still together

May 28, 2019
KC Concepcion

MARAMI ang nagtatanong kung break na ba sina KC Concecpion at  kanyang French businessman boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart dahil lately ay walang bagong postings si KC ng pictures na magkasama sila sa kanyang Instagram account.  Na-delete na rin ang mga naunang post ni KC na magkasama sila ni Pierre.  Pero nang bisitahin namin ang sariling Instagram account ni Pierre ay naroon pa rin ang mga picture nila ni KC kaya malamang ok pa rin sila.

KC is back in Manila at muli nitong pinagkakaabalahan ang pagde-design ng bagong jewelry  for her Avec Moi by Kristina jewelry business.  Ipinahayag din nito na nami-miss niya ang pag-arte.  Of course, alam din ng marami that KC can also sing, dance and host.

Maganda siguro kung magkakasama sina KC at ang kanyang mom na si Mega (Sharon Cuneta) sa isang movie project.

Samantala, unknown to many, si KC ay nakapag-invest sa isang beach property in Palawan na kanyang natutunan sa kanyang ina, her step-dad na si Sen. Kiko Pangilinan at maging sa kanyang namayapang lola.