KC, hiniritan ng pamangkin ni Garie

April 08, 2020
KC Concepcion & Garie Concepcion

BIRTHDAY ni KC Concepcion nu’ng April 7 at dahil sa COVID-19 at sa enhanced community quarantine, hindi siya nag-celebrate ng kanyang 35th birthday.

Ang dalawang pet dogs ang kasama ni KC sa kanyang bahay at kasama sa kanyang kaarawan.

Nag-post si KC ng pasasalamat sa mga nakaalalang bumati at nagpadala ng birthday greetings na nagpasaya sa kanya.

“I thought I would hate being along on my birthday. BUT I was so wrong! Because of thos of you (whom I won’t mention one by one) who sent me such sweet, loving messages, and bring me ONLY good energy — I am sooo happy today. You all make my heart so full! Thank you! TRULY the sincere love from family & real friends is what matters most in life. There’s no better time to celebrate LIFE and the PEOPLE who matter, than now. Sending you only joy, light, and above all, love. xoxo, KC.”

Binasa namin ang comments at nakita ang pangalan ng sister niyang si Cloie Syquia na isa sa mga bumati kay KC.

Sa IG Story naman bumati kay KC ang isa pang kapatid na si Garie Concepcion.

‘Katawa dahil hiniritan talaga si KC ng pamangkin ng half-sister.

Sey ni Garie, “Enjoy your quarantine birthday for now and we shall celebrate when this is all over.

“P.S. Is it too much to ask for a pamangkin already?!? Hihi kidding! Dont kill me haha Praying that you already meet God’s best for you!!”

Mabuti at wala pang basher na sumisira sa birthday  ni KC at hindi ginawang isyu na walang online birthday greetings kay KC ang ama niyang si Gabby Concepcion at mga kapatid kay Sharon Cuneta, lalo na si Frankie Pangilinan.

Sigurado namang binati ng mga nabanggit si KC, hindi na lang ipinaalam sa media.

Si Sharon, mala-nobela ang pagbati sa panganay niya at nalulungkot daw siya na mag-isa ito kasama ang mga alagang aso sa kaarawan niya.

Ganunpaman, in-assure naman si KC ni Sharon na marami silang nagmamahal sa kanya, kabilang na ang buong angkan ng Gamboa at Pangilinan.

Birthday din ni Richard Gomez nu’ng Tuesday at 54 years old na ang mayor ng Ormoc City.

Siguro, pinakamagandang birthday gift na natanggap ni Richard sa ay ang pananatiling COVID-19-free ng Ormoc City.

Ipinagmamalaki ito ni Richard, kaya walang kumontra sa post niyang, “For almost a month  of fight against a worsening health crisis Ormoc City remains COVID-19 Free” at sinundan ng “Let every Ormocanon be a sentinel whoseduty is to safeguard the safety of everybody. #DisiplinaMunaOrmoc #GoodVibesOrmocanon.”

Siyempre pa, marami ang nag-congratulate kay Richard at pati ang pamamahagi niya ng ayuda sa constituents na hindi makapaghanap buhay dahil sa lockdown ang ginawang pamimigay ng isang sakong bigas sa halip na pakilu-kilo.

Lahat ng bahay sa 110 barangays ng Ormoc, nakatanggap ng one sack of rice mula kay Mayor Richard.