KC hiwalay na sa French BF, open na sa ibang suitors

September 13, 2019
KC Conception
KC Conception

BUKAS na umano si KC Conception sa pakikipag-date sa iba, isang indikasyon na wala na sila ng kanyang French businessman-filmmaker boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.

May ilang buwan na ring walang post si KC sa kanyang Instagram account ng pictures na kasama niya ang (dating) kasintahan kaya noon pa lamang ay nag-speculate na ang marami na wala na sila ng kanyang French boyfriend.

Huling nakita si KC  na kasama si Pierre nung nakaraang December kung saan dumating sa Pilipinas ang huli para magbakasyon. Dumalo pa ito sa debut party ng younger (half) sister ni KC na si Frankie Pangilinan, panganay ng mag-asawang Sharon at Sen. Kiko Pangilinan.

Ang buong akala pa naman ng marami na ito na ang makakatuluyan ni KC na tila walang suwerte umano sa larangan ng pag-ibig.

Samantala, dapat maging aktibong muli si KC sa kanyang showbiz career.  Hindi lamang siya mahusay na singer-actress kundi magaling din siyang dancer and host.

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni KC ang pagiging celebrity endorser at ang kanyang sariling  jewelry line, ang Avec Moi by Kristina.