Home>Entertainment>Showbiz>KC lilipat na ng GMA7 para samahan si Gabby?

KC lilipat na ng GMA7 para samahan si Gabby?

KC Concepcion
KC Concepcion

SA unang pagkakataon ay makakapanayam ni Dingdong Dantes si KC Concepcion sa fresh episode ng award-winning infotainment show na ‘Amazing Earth’ ngayong Linggo (January 10).

Dingdong Dantes and KC Concepcion
Dingdong Dantes and KC Concepcion

Isang food adventure ang pagsasamahan nina Dingdong at KC kung saan ibabahagi ng aktres ang kanyang nalalaman sa sustainable home cooking and dining. Sa mga sumusubaybay sa anak ng megastar na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, alam nila na nakahiligan na nito ang pagluluto sa gitna ng lockdown kung saan nakikipag-collab pa siya sa ilang kilala, and even upcoming chefs.

But wait, senyales na ba ng paglipat o pagpirma ni KC sa GMA7 ang paglabas niya sa show ni Dingdong? Kilalang Kapuso na ang kanyang ama na si Gabby na may inaabangan na ring series, ang First Yaya kung saan kasama niya si Sanya Lopez.

Samantala, bagong taon kaya mga bagong adventure rin ang hatid ni Dingdong sa viewers ng sari-saring kwento ng saya, suspense, at drama sa buhay ng mga hayop sa ‘Amazing Earth’ na napapanoodtuwing Linggo, 5:25pm, sa GMA-7.

Barbie na-excite pero si Kate natakot sa pagbabalik-taping

Barbie Forteza and Kate Valdez
Barbie Forteza and Kate Valdez

BALIK-telebisyon na ang primetime series na ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ simula January 18 sa GMA Telebabad.

Kuwento ni na gumaganap bilang Ginalyn, talagang kaabang-abang daw ang mga revelation scene sa kanilang pagbabalik. Matapos ang ilang buwan nilang pahinga sa taping, sobrang na-enjoy raw ni Barbie ang umarte muli kaya naman halos madala raw siya sa lahat ng eksena nila.

Aniya, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Inamin naman ni Kate Valdez bilang Caitlyn na nahirapan siyang mag-adjust sa kanilang pagbabalik-taping, “Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show.

Ganoon din ang nararamdaman ni Migo Adecer na gumaganap bilang Cocoy, “I remember the first three tapings, I couldn’t cry. But after the third day of taping, I was back in the saddle. It’s like riding a bike pala.”

May recap ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday simula January 18 at sa February 8 ay mapapanood na ang fresh episodes.

Family ni Mikee nakaabang na sa ‘The Lost Recipe’

Mikee Quintos and Kelvin Miranda
Mikee Quintos and Kelvin Miranda

BUONG pamilya ni Mikee Quintos ay nag-aabang na sa upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na “The Lost Recipe” kung saan bida ang aktres kasama ang baguhang si Kelvin Miranda.

Si Mikee ay mula sa isang political family sa Maynila kung saan ang kanyang ama ay isang konsehal.

“I have really big hopes for this team-up. Even within my family actually. For them to say na kinikilig sila sa team-up na ‘to and they see potential in it, that’s a big validation na for me,” pagbabahagi ni Mikee.

Mukhang handing-handa na ngang magpakilig ang #TeamMiKel sa primetime ng GMA News TV. Si Mikee ay gaganap bilang Chef Apple Valencia at si Kelvin naman ay si Chef Harvey Napoleon. Sa trailer pa lang, marami na ang nagko-comment na ang bagong series na ito na mala-K-drama ang feel sa teaser, at nakaka-curious ang time travel element sa kuwento.

Kasama rin sa serye sina Paul Salas, Thea Tolentino, Lucho Ayala, Phytos Ramirez, Prince Clemente, Anton Amoncio, Faye Lorenzo, Crystal Paras, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, Sue Prado, at Ariella Arida. Ngayong January 18 na mapapanuod ang The Lost Recipe sa GMA News TV.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal