KC may bagong asawa

October 17, 2019
KC Montero and Stephanie Dods
KC Montero and Stephanie Dods

MATAPOS mahiwalay sa kanyang ex-wife na si Geneva Cruz, muling ikinasal  ang TV host-actor na si KC Montero sa kanyang longtime girlfriend, ang model at dating beauty queen (ng New Zealand) na si Stephanie Dods sa isang intimate wedding  na ginanap sa California, USA last September 29, 2019.

Kailangang bumalik agad ng Pilipinas ang bagong mag-asawa dahil sa taping ng long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan kabilang ngayon ang nakababatang kapatid ng actor na si Troy Montero.

KC’s real name is Casey Wyatt Montero Mille at siya’y  isinilang at lumaki sa Amerika to his American father of German and Irish descent at US-born Filipina mother.

Sa kabila ng paghihiwalay nina KC at ex-wife nitong si Geneva, nanatiling magkaibigan ang dalawa at very close si KC sa binatang anak ng singer-actress na si Heaven sa first husband nitong si Paco Arespacochaga ng Introvoyz.  Kay KC halos lumaki si Heaven na itinuring niyang parang tunay na anak.

Samantala, ang brand new wife ngayon ni KC na si Stephanie ay dating Miss Teen ng New Zealand at naging Miss New Zealand in 2007.  Nanalo rin siya sa Asia’s Largest Interior Design competion on TV, ang “The Apartment” on Sony Channel.