KC, umaming hirap sa long distance relationship

January 06, 2019
KC Concepcion

Nakaalis na ng bansa ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart dahil sa post niyang, “Airplane read,” at ipinakita ang books na regalo sa kanya ng mag-asawang Gian at Joy Sotto.

Si KC naman, sa post niya, nagtatanong tungkol sa Long Distance Relationship o LDR.

“This long distance relationship isn’t the easiest but somehow with you I know I’m safe. Had a lovely time with you as always, mon amour! Is anyone here in an #LDR atm? How do YOU keep your love alive?”

Ang daming sumagot sa tanong ni KC at sa mga comment, nakakuha siya ng tips at advices on how to make their relationship work.

May nag-comment naman na bakit hindi pa sila magpakasal para magkasama na sila?

In fairness, ang tagal dito ng BF ni KC na dumating bago ang December 15, 2018, debut ni Frankie Pangilinan.

Dito na siya nag-Pasko at nag-Bagong Taon at bago umalis, ipinasyal muna siya ni KC sa Tagaytay.