Home>Entertainment>Showbiz>Ken at Buboy nagkasubukan sa mystery drink challenge

Ken at Buboy nagkasubukan sa mystery drink challenge

Ken Chan and Buboy Villar,
Ken Chan and Buboy Villar,

ISANG nakakatuwang vlog ang ginawa ng Kapuso actor na si Ken Chan kasama ang matalik na kaibigan na si Buboy Villar na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

“Sobrang saya ko kasi nakasama ko ang isang tao na mahalaga sa buhay ko. Masayang-masaya talaga ako kasi ang tagal naming hindi nagkita at na-miss kong kakulitan ito,” sabi ni Ken.

Sa kanilang naging reunion, naglaro ang dalawa ng trivia drinking game na may twist. Kailangang uminom ng mystery drink kung sino sa kanila ang magkakamali ng sagot.

Sa pagtatapos ng kanilang nakatutuwang game, pinuri ni Buboy si Ken sa pagiging professional at totoong kaibigan.

Nagkatrabaho ang dalawa at naging close sa pinagsamahang 2019 GMA primetime drama na One of the Baes. Para panoorin ang kabuuan ng video, bisitahin lang ang YouTube channel ni Ken.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal