Ken Chan, may video para sa mga apektado ng COVID-19

July 07, 2020
Ken Chan

UMAASA ang Kapuso star na si Ken Chan na makakapag-hatid ng magandang mensahe ang kaniyang 'new normal' video na ibinahagi niya sa social media.

Tampok dito ang kaniyang day-to-day activities na nais niyang ugaliin din ng publiko para manatiling ligtas mula sa pandemic.

Sa caption, mayroon ding touching message si Ken para sa mga minamahal na kababayan na sa ngayon ay higit na apektado ng virus, “First and foremost, I want to say that my heart goes out to all those who were and currently are affected by the COVID 19 virus - I pray things will get better soon - you are always in my thoughts and in my prayers."

Dagdag pa niya, sana ay nakapaghatid siya ng inspirasyon sa karamihan at nakapagbigay ng pag-asa gamit ang video, “I hope it may inspire you to join me and help you, and those you love, stay safer no matter what may come your way today, tomorrow, and for all the tomorrows still yet to come.”