Home>Entertainment>Showbiz>Ken nagpakilig sa birthday post para kay Rita

Ken nagpakilig sa birthday post para kay Rita

Ken Chan

ISANG nakakakilig na birthday greeting ang ipinaabot ni Ken Chan para sa kanyang ka-love team na si Rita Daniela sa Instagram.

“You’ve always been there for me, through tears and fears you never forsake me. You’ve been my loyal supporter and you always saw the best in me,” lahad ni Ken sa caption kalakip ng isang montage na naglalaman ng cute videos ng aktres na kuha mula sa set ng One of the Baes at ng upcoming movie nila na My First and Always.

Dagdag pa niya, “You’ve been a blessing in my life and I am grateful from up above. Happy Birthday to you my Choy @missritadaniela! I pray that God will grant you the desires of your heart.”

Samantala, inaabangan na rin ang kanilang pelikula na My First and Always kung saan isang seminaristang malapit nang maging pari ang role ni Ken at isang babaeng bar singer naman si Rita.

Makakasama nila sa pelikula sina Lotlot de Leon, Richard Yap, John Gabriel, at Bryan Benedict, sa ilalim ng produksyon ng Heaven’s Best Entertainment at sa direksyon ni Louie Ignacio.

Barbie napahanga si Rovilson sa husay

Barbie Forteza
Barbie Forteza

SA recent episode ng “Home Work” ng GMA7, nagpa-sample ang young actress na si Barbie Forteza ng mga natutunan niya mula sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil. Ilang segundo lang ay nagawa nang umiyak agad ni Barbie, kaya napahanga niya ang host ng programa na si Rovilson Fernandez.

Kuwento ni Barbie, sumali siya sa acting class para maiwasan ang boredom habang naka-quarantine at para mas mahasa ang talent sa pag-arte. Aniya, “Nu’ng nagsimula po talaga tayo ng quarantine, wala na po talaga akong ginawa. Perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct s’ya ng online masterclass. Sabi ko, what better way na matuto kung ‘di learn from the best.”

Napapanood ang “Home Work” ng “New Normal: The Survival Guide” tuwing Huwebes, 9:15 p.m. sa GMA News TV.

Jennylyn at Direk Dom, tinanggap ang award ng DOTS Ph

Jennylyn Mercado and Direck Dom
Jennylyn Mercado and Direck Dom

MATAPOS tanggapin ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards, sina Jennylyn Mercado at Direk Dominic Zapata naman ang tumanggap ng award ng ‘Descendants of the Sun’ na Most Popular Foreign Drama of the Year.

Sa pre-recorded speech nila, nagpahayag ang dalawa ng pasasalamat sa Seoul International Drama Awards committee. Ayon kay Jennylyn na gumaganap bilang si Dra. Maxine, “I would like to thank Seoul International Drama Awards for awarding our show, Descendants of the Sun, as the Most Popular Foreign Drama for 2020. We’re so sorry we cannot make it for the awards ceremony but, nonetheless, it’s truly an honor that our love and passion for telling stories in television is recognized internationally.”

Pahayag naman ni Direk Dom, “On behalf of the creative team, staff and crew, and the management of GMA Network Philippines, thank you so much to the Seoul International Drama Awards for this honor.”

Samantala, malapit nang magbalik sa telebisyon ang ‘Descendants of the Sun’.

Sanya ipinakita ang workout routine

Sanya LopezIBINAHAGI ng sexy at mahusay na actress na si Sanya Lopez ang kanyang sikreto sa magandang pangangatawan sa nakaraang episode ng programang ‘Mars Pa More!’

Dahil wala siyang masyadong gym equipments, kakaiba ang kaniyang home workout routine. Para-paraan talaga si Sanya sa page-exercise at pagme-maintain ng figure niya gamit lang ang wall sa kanilang bahay at ang yoga mat.

Sa mga gustong magkaroon ng “quarantoned” body tulad ng kay Sanya, sundan ang kanyang ibinigay na guide na mapapanood sa YouTube channel ng GMA Network.

Huwag din palalampasin ang mga susunod na episodes ng ‘Mars Pa More!’ mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45AM sa GMA-7.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal