Home>Entertainment>Showbiz>Kim Domingo umaming nakaranas ng anxiety

Kim Domingo umaming nakaranas ng anxiety

Kim Domingo
Kim Domingo

HINDI napigilan ng sexy-turned-dramatic actress Kim Domingo na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang best friend na pumanaw dahil sa lung disease nitong Agosto.

Sa isang interview ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na labis niyang dinamdam ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Ikinuwento rin ni Kim na dahil dito ay nagkaroon siya ng anxiety at nakaranas ng clinical depression kaya’t kumonsulta siya sa isang specialist.

Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay unti-unti siyang nakabangon sa pinagdaanan.

“Tuwing magkakaroon ako ngayon ng achievement, sabi ko pupunta ako lagi sa kanya. Dadalawin ko siya. Every achievement na mararating ko ngayon, sabi ko, alay ko ‘yon sa kanya. Ang dami naming dreams. At saka sa lahat ng pangarap ko sa buhay talagang kasama na siya dun kasi hindi ko siya itinuring na parang kaibigan lang kasi part of the family talaga,” say pa ng Bubble Gang mainstay.

All-Out Sundays stars bongga ang performances noong Linggo

All-Out Sundays
All-Out Sundays

HINDI pinalampas ng viewers ang concert-level performances at star-studded guests sa GMA musical variety show na All-Out Sundays noong Linggo.

Trending ang inihandang sorpresa ng AOS barkada na pinangungunahan nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, at Alden Richards para sa Kapuso viewers.

Gayundin ang all-male singing fest din kasama sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, Mark Bautista at Christian Bautista.

Sumabak din ang international singing sensation na si Marcelito Pomoy sa nauusong TikTok challenge na ‘Liparin Mo’ kasama sina Gabbi at Paolo Contis. Sumali naman ang girl group na XOXO sa masayang laro na ‘Pasa Mode’ kasama sina Julie Anne at Rita Daniela.

Speaking of TikTok, patok na patok din ang dance battle sa pagitan ng dance challenge trendsetters na sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan laban kina Rayver, Miguel Tanfelix, Vito Marquez, at Paul Salas. Si Ken Chan ang nagsilbing moderator nito.

Napapanood ang ‘All-Out Sundays’, 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7.

Aiko Melendez at Wendell Ramos masuwerte sa isa’t isa

Aiko Melendez at Wendell Ramos
Aiko Melendez at Wendell Ramos

MAITUTURING daw na ‘lucky charm’ nina Prima Donnas stars Aiko Melendez at Wendell Ramos ang isa’t isa.

Bata pa lang daw ay magkaibigan na ang dalawa dahil sa kanilang manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano. Tanong tuloy ng netizens, sa tagal na nilang magkakilala ay bakit nga ba hindi na-link sina Aiko at Wendell sa isa’t isa?

Paliwanag ni Aiko, “Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, ‘di ba?”

Sey pa ni Wendell, “Yes, tsaka nung una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga, at kumausap sa akin kahit pagkatapos noon kumuha niya ng award, naalala mo ‘yun? Aiko Melendez ka na nun, e.”

“Grabe naman ‘to, magkasing-edad lang tayo halos,” natatawang sagot naman ng aktres.

Samantala, nitong Oktubre 18 ay natapos na ang 21-day lock-in taping ng cast and crew ng Prima Donnas. Kaya naman inaabangan na ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng serye.

Round Two ng The Clash eliminations naging mas intense

The Clash
The Clash

LALONG nagiging kapana-panabik ang eliminations sa Kapuso musical competition na The Clash!

Nitong Sabado at Linggo, mas matinding challenges ang hinarap ng bagong Top 20.

Kahit ang Clash Panel members na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, at guest judge na si Pops Fernandez ay nahirapan.

May bagong twist sa competition na ini-reveal ang Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, kasama ang Journey Hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan.

‘Wag palalampasin ang “The Clash” ngayong Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) sa GMA-7.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal