Kim huhusgahan na

September 24, 2019

SA araw na ito ng Miyerkules, September 25, ay huhusgahan na ang solo launching movie ng stage singer-actress na si Kim Molina, ang “Jowable” mula sa short film at best-selling book na “Jowable”. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap na nagsimula bilang theater writer and director.

Si Darryl ay nagsimula sa paggawa ng short films in 2017 at isa rito ang “Squatterina” na naging kalahok sa North Luzon Film Festival kung saan siya nanalo bilang Best Director.  Napasama rin ang nasabing short film  na ginawaran ng parangal sa Formosa Festival of International Filmmakers na ginanap sa Taiwan.  Isa rin ang “Squatterina” sa sampung Best Short Films sa National Commission for Culture and the Arts.  Ang iba pang award-winning short films ni Darryl ay ang “Oyayi,” “Bago Ako Lumipad” at ang “Ellipsis”.

Sexy-comedy ang tema na “Jowable” na tinampukan din nina Kakai Bautista, Cai Cortez at Candy Pangilinan at kung saan may special participation ang real life boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles.

Mahusay na actress si Kim at dominado niya ang buong pelikula.  Hindi rin siyempre nagpahuli sa aktingan sina Kakai, Cai at Candy na pare-parehong magaling.

Bukod sa”Jowable,” si Kim ay regular ding   napapanood sa hit afternoon teleserye na “Kadenang Ginto” at ang magtatapos na hit primetime TV series na “The General’s Daughter.”