Kim Idol pumanaw na

July 13, 2020

SUMAKABILANG-BUHAY na ang 41-year-old stand-up comedian na si Kim Idol, Michael Argente sa tunay na buhay kahapon, July 13 four days matapos siyang isugod sa Manila Central University Hospital ng Caloocan City.

Si Kim Idol ay nawalan ng malay sa Philippine Arena (in Bulacan) kung saan siya tumutulong bilang volunteer as quarantince officer (isang frontliner) pero hindi na siya naka-recover.

Taong 2015 nang ma-diagnose si Kim Idol ng isang rare illness, ang anteriovenous malformation sa kanyang brain kung saan abnormal ang daloy ng blood vessels connecting the arteries and veins at dahilan ng hindi pagiging abnormal ng oxygen flow.  Ito ang dahilan kung bakit madalas siyang mahilo at sumakit ang ulo. 

Si Kim Idol ay isa sa stand-up comedians na regular na nagpi-perform sa nagsarang comedy bars ni Allan K., ang Zirkoh at Klownz.