Kim mas pinanood kaysa kay Super Tekla

October 02, 2019
Kim Molina
Kim Molina

SABAY na ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Kiko en Lala” ng comedian-TV host na si Super Tekla at ang #Jowable ng stage singer-actress na si Kim Molina.  Parehong launching movie nina Super Tekla (Romeo Librada in real life) at Kim ang kanilang respective movies.  Ang “Kiko en Lala” ay dinirek ni Adolf Alix, Jr. under GMA Pictures habang ang #Jowable ay dinirek ng short film director na si Darryl Yap sa ilalim ng Viva Films.    Sa dalawang pelikula, ang #Jowable ni Kim ang pumalo sa takilya at hindi naman  kinagat ng mga manonood ang pelikula ni Super Tekla na tiyak na ikina-disappoint ng GMA Pictures in their comeback bid sa pagpu-produce ng pelikula.

Mukhang nakatulong kay Kim ang maganda niyang exposure sa dalawang hit teleserye, ang “Kadenang Ginto” at ang magtatapos ngayong Biyernes na primetime TV series, ang “The General’s Daughter” at sa hit Pinoy musical na “Rak of Aegis” ganundin ang magandang pagkakadirek ni Darryl Yap.

Dahil pumatok sa takilya ang #Jowable ni Kim, expect more TV and movie assignments for Kim na nagsimula bilang stage singer-actress bago nito na-penetrate ang telebisyon at ngayon ay pelikula.

Nakagawa rin si Kim ng digital movie saiWant, ang “Momol Nights” kung saan niya nakatambal si Kit Thompson.     

Si Kim ay nobya ng Kapuso actor-comedian na si Jerald Napoles.

Maganda rin siguro kung pagtatambalin ang dalawa sa pelikula although may special guest appearance si Jerald sa #Jowable.