Kim, pinagtaksilan ng inakalang ‘one great love’!

December 04, 2018
Kim Chiu with Dennis Trillo & JC de Vera

Kwento ni Director Eric Quizon sa presscon ng One Great Love, entry ng Regal Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival, intended for Kim Chiu ang role ni Zyra Paez, isang nutrionist/businesswoman sa nasabing pelikula.

Pinag-usapan ang dalawang leading men ni Kim at ang naisip niya agad ay sina Dennis Trillo sa role ni Dr. Ian Arcano, best friend ni Zyra, at si JC de Vera sa role ng pilot na si Carl Mauricio.

Na-picture ni Direk Eric sina Dennis at JC na babagay sa role ng doctor at piloto.

May tatlong love scenes ang movie na 95 percent kinunan sa Tagaytay City. Dalawa sa love scenes ay si JC ang kaeksena ni Kim at isa ang kasama si Dennis.

Pag-uusapan ang love scene nina Kim at JC sa bathtub ng yate. isa sa bedroom at ang love scene with Dennis sa harap ng fireplace.

“Sizzling” ang description ni Direk Eric sa three love scenes dahil hindi expected na gagawin ni Kim.

“Bago simulan ang shooting, sabi ni Kim, she wanted something different at ’yun ang ibinigay namin. Hindi naman kami lumampas sa limitations dahil ’di naman ako gumagawa ng R-rated movies. Tama lang ang love scene and Kim is a real trouper. Game siyang gawin, but after the shoot, maririnig mong nagsi-shriek siya,” kwento ni Eric.

Binanggit din niya na involved si Kim sa production ng One Great Love. May mga suggestion siya at pati ang theme song na Dating Tayo na kinanta ni TJ Monterde, si Kim ang pumili.

“Lumabas ako sa comfort zone ko rito. This time, iba talaga, out of the box. Parang five steps higher ang ginawa ko dahil gusto kong makita ng tao ang kaya ko. 

“Sobrang happy din ako na tinanggap nila Direk Eric ang suggestions ko, first time nangyari ’yun. Pwede pala akong pakinggan, kaya excited ako sa outcome ng movie na ito,” wika ni Kim.

Maintriga lang ang sagot ni Kim sa tanong kung naka-experience na siya ng one great love.

“Siguro na-experience ko na, pero bumitaw din ako dahil may sina-sight na siyang iba at kung ganu’n na ang mangyayari, bumitaw ka na, ’wag ka nang mag-stay. Sana balang araw, mahanap ko rin ang one great love ko.”

Tanungan ang mga reporter dahil hindi sinagot ng aktres kung sino ang inakalang one great love niya.

Anyway, sa Dec. 25 ang  showing ng One Great Love kung saan kasama rin sa cast sina Miles Ocampo at Marlo Mortel.       NM