Kim wala munang lovelife

September 22, 2019
Kim Domingo

PARANG anghel na lumapag mula sa lupa ang Kapuso actress na si Kim Domingo sa media conference ng kanyang upcoming movie na ‘Kiko en Lala,’ kung saan isa siya sa makakatambal ng komedyanteng si Super Tekla. Nang tanungin si Kim kung enjoy ba siya sa pagiging single ngayon, sinabi ng aktres na wala muna siyang balak pumasok uli sa isang relasyon.

“Work muna ako ngayon. Saka itong ginawa kong serye, medyo mabigat talaga siya. So, yung focus ko ay dun muna talaga, kasi gusto ko mabigay yung best ko.”

Super busy ang aktres ngayon dahil bukod sa movie, kasalukuyan din siyang napapanood sa GMA Afternoon Prime series na ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ bilang si Katya.