Home>Entertainment>Showbiz>Kinilalang ina ni Angeline pumanaw na

Kinilalang ina ni Angeline pumanaw na

Angeline Quinto and Mama Bob
Angeline Quinto and her Mama Bob (Sylvia Qunito)

NAGLULUKSA ngayon ang singer-actress nasi Angeline Quinto (30) sa pagpanaw ng kanyang adoptive mom (her paternal grandmother) na si Sylvia Quinto na mas kilala as Mama Bob na sumakabilang-buhay nung nakaraang Sabado, November 7 dahil sa lingering illness na may kinalaman sa sakit sa puso.

Si Mama Bob ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya magmula nang siya’y isilang.

Lola niya si Mama Bob dahil tiyahin ito ng kanyang biological father na si Pop Quiros. Ang biological mother naman ni Angeline na si Rosemarie Sunsan Mabao ay nakilala lamang ni Angeline in 2012 when she was already 23 years old.

Napag-alaman ni Angeline na gusto pala siyang ipa-abort ng kanyang ina noon dahil hindi umano nito makakayang palakihin ang bata. Nakiusap si Mama Bob na siya na lamang ang mag-aalaga paglabas ng baby (Angeline).

Although masayang lumisan si Mama Bob dahil nasa magandang estado na ang kanyang apo o anak-anakan, malungkot namang ise-celebrate ni Angeline ang kanyang nalalapit na kaarawan on November 26 maging ang nalalapitna Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi na niya kasama ang kinagisnang ina.

Arjo wala nang mahihiling pa dahil kay Maine

Maine Mendoza and Arjo Atayde
Maine Mendoza and Arjo Atayde

KUNG si Arjo Atayde ang tatanungin ay wala na raw niyang mahihiling pa sa kanyang personal life dahil sa pagdating sa kanyang buhay ni Maine Mendoza.

Arjo, who turned 30 last November 5 will be celebrating his second anniversary with Maine sa darating na December. Ang dalawa ay unang nagkakilala at nagkalapit sa set ng pelikulang “Jack Em Popoy” na tinampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine.

Si Maine ay kasama ng pamilya ni Arjo sa pagsalubong ng kanyang kaarawan.

Kung masaya si Arjo sa relasyon nila ni Maine, masaya rin ang pamilya ni Arjo for them laluna ang kanyang ina, ang veteran at award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Supportive din ang pamilya ni Maine sa kanilang relasyon ni Arjo.

Aicelle binigyan ng virtual baby shower

HANDANG-handa nang i-deliver ng singer and stage-actress na si Aicelle Santos-Zambrano ang kanilang magiging first born ng husband na si Mark Zambrano anyday next month.

Last Saturday, November 7 ay nagkaroon ng virtual baby shower for the expectant mom participated in ng kanyang mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho. Kasama ang kanyang `kapatid’ sa Stages family ang singer-actor na si Christian Bautista at ang Broadway Diva na si Lea Salonga sa nag-participate.

Sa darating na November 16 ay isi-celebrate ng mag-asawang Aicelle at Mark ang kanilang first wedding anniversary. The couple tied the knot nung November 16, 2019 sa El Jardin de Zaida in Batangas.

Rita at Ken bini-build up nang husto

Ken Chan and Rita Daniela
Ken Chan and Rita Daniela

MUKHANG bini-build-up nang husto ng GMA ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela bilang RitKen.

Matapos mapanood sa “My Special Tatay” and “One of the Baes” at magkasama ngayon sa “All-Out Sundays” at “The Clash,” sina Ken at Daniela ay malapit nang mapanood sa isang bagong drama series sa Kapuso Network sa pamamagitan ng “Ang Dalawang Ikaw” kung saan mag-asawa ang role ng dalawa at kung saan naman gaganap na may split personality ang character ni Ken.

Ang RitKen ay malapit na ring matunghayan sa kanilang first movie together, ang “My One and Always (Luis Loves Luisa)” na dinirek ni Louie Ignacio at joint production ng GMA Films at Heaven’s Best Entertainment na pinamumunuan ng actress-producer na si Harlene Bautista.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger