Kiray, hindi pa kayang isuko ang virginity sa non-showbiz boyfriend

November 12, 2018
Kiray Celis

HINDI type ni Kiray Celis na gawing showbiz ang kanyang lovelife kaya ayaw niya raw i-post sa social media ang picture nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang businessman.

“Mas okey yung walang nangingialam, mas okey yung walang nakakaalam,” komento ni Kiray na kasama sa 2018 MMFF movie na Otlum.

“Kasi hindi naman kailangang pinagmamalaki. Sabi nga nila, pag masaya ka hindi mo kailangan ipagmalaki at ipakita. Alam mo sa sarili mo na masaya ka.

“Nakikita naman nila kami pag lumalabas kami. Ayoko kasing haluan ng trabaho, kasi yung Insta-gram ko, yung Twitter ko, yung Facebook ko, pang trabaho,” patuloy na pa-liwanag ni Kiray sa amin.

Hindi naman daw niya itinatago ang karelasyon.

“Kaya nga ako pumili ng non-showbiz kasi kung artista lang, gusto ko lang talaga ng… kahit di ko ipagmalaki o i-post sa inyo alam na ng mga tao, eh.

“Gusto ko ng ibang world, gusto ko kapag kasama ko siya sa mundo niya ako pumapasok, hindi sa mundo ko pa rin. Gets? Parang ganun,” sambit pa niya.

Personal ang sumu-nod naming tanong kay Kiray. Naisuko na ba niya ang virginity sa boyfriend?

Pag-amin niya, “Hindi pa! Takot ako, eh. Takot pa rin ako, baka kasi any time…”

Pero nagki-kiss na-man daw sila ng kasin-tahan.

“Kiss-kiss lang. Ano ako, eh, makiliti ako.”

Eh, paano kung pilitin siya ng dyowa?

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko pa kaya. Natatakot kasi ako na any time… Kasi may bestfriend ako na parang lagi akong niyayang, ‘Sige, makipag-sex ka na, masarap yon.’ Ano naman, eh, magkaibigan kayo, girl talk, tapos biglang all of a sudden, sabi niya, ‘Buntis ako, hindi ko naman sinasadya.’

“So parang natakot ako kasi parang kahit hindi mo gusto pero meron palang mga moments na puwedeng yung mga ganung bagay. So, takot talaga ako,” dahilan pa ni Kiray.

Eh, kailan ba niya balak isuko ang pagka-birhen niya?

“Pag may ipon na ako,” tugon niya and not necessarily daw pag kasal na siya.

“Hindi naman na uso ngayon yon, eh. Gusto ko kapag stable na ako,” pag-amin pa ng dalaga.