Kiray pinagpala sa career, negosyo at lovelife

June 12, 2019
Kiray Celis

MARUNONG sa buhay ang komedyanteng si Kiray Celis. Ayon sa kanya, mahalaga na mayroon siyang fallback or iba pang mapagkukunan ng income kung sakaling hindi na maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

Ito ang ibinahagi niya sa programang Tunay na Buhay ni Rhea Santos kung saan ipinakita niya ang kanyang restaurant na Chicks and Fins.  Isang taon na ang kanyang business na matatagpuan sa Manila malapit sa ilang kilalang unibersidad at may plano na rin siyang magbukas ng isa pang branch this year.

Balitang ang kanyang boyfriend ang kasosyo niya sa kanyang business. Tunay na pinagpala si Kiray, sa business man o sa lovelife.

At kahit sa mga ginagawa niyang project, pinagpala rin siya. Pagkatapos makapareha si Derek Ramsay sa isang pelikula last year, heto at kapareha lang naman niya ang ex-BF ni Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad sa  episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na "Super Kiriray and the Wonder Kids" na napapanood tuwing Linggo.