Home>Entertainment>Showbiz>Klea pina-wow ang netizens sa latest post

Klea pina-wow ang netizens sa latest post

Klea Pineda
Klea Pineda

NAPA-WOW ang fans at followers ng actress na si Klea Pineda sa bago niyang post sa Instagram na isang transformation video challenge na patok sa TikTok.

Pinatunayan niya na isa talaga siya sa mga pinaka-sexy na female celebrities ngayon. Sa video, makikita ang kanyang nakamamanghang transition mula sa pagiging plain jane papunta sa “it girl” look.

Samantala, nami-miss na rin ng fans at ng Kapuso viewers ang kanyang pinagbibidahan na GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw,’ kasama sina Jeric Gonzales, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Ayon sa isang source, malapit na rin silang bumalik sa TV. Bisitahin lang ang GMA Network website para sa mga update.

‘Sleepless’ nina Glaiza at Dominic nasa Netflix na

SleeplessISA na namang hit local film ang napapanood ngayon sa video streaming platform na Netflix – ang “Sleepless” na pinagbidahan ng Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Dominic Roco.

Directed by Prime Cruz, isinasalamin ng pelikula ang buhay ng isang call center agent. “I’m very excited about Sleepless premiering on Netflix because it’s finally going to have a chance to be seen by more people. That’s every director’s dream, I think–to reach as many people as you can. And I’m hoping it can serve as a comforting hug to those in similar situations,” ani ni Direk Prime sa GMANetwork.com via Facebook Messenger.

Todo suporta naman ang netizens sa Twitter at nag-tweet pa ng kanilang favorite scenes sa pelikula. Hinangaan din nila ang husay sa pag-arte nina Glaiza at Dominic.

Natanggap ng Sleepless ang parangal na NETPAC Jury Prize for Best Picture at the Circle Competition section noong 2015 sa QCinema Film Festival kung saan nagwagi rin si Dominic bilang Best Actor.

Mga pelikula ni Therese nasa Netflix na rin

Therese MalvarNAPAPANOOD na rin sa Netflix ang indie film ng young actress na si Therese Malvar, ang “Gasping for Air”, habang ang “Distance” naman ay mapapanood din sa streaming platform simula September 17.

Samantala, nang tanungin ang award-winning young Kapuso actress na si Therese kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista sinabi niyang nahihirapan man, malaking tulong daw ang mga taong nasa paligid niya, “Honestly po talaga I’m not really sure how I’m able to balance both work and studies. Because I’m not that good at organizing my time. But thankfully, the people around me help motivate me. And I try to catch up talaga even when I’m on set. Minsan mahirap kasi palagi po akong absent pero if you really want to pursue this, you have to find a way to make things work. I would really like to graduate on time.”

Kyline akalang shampoo endorsement ang surprise debut party

NAGDIWANG noong Huwebes, September 3, ng kanyang ika-18 na kaarawan ang young star na si Kyline Alcantara. Bagama’t hindi natuloy ang sana’y engrandeng selebrasyon ng debut niya, may sorpresa ang mga taong malapit kay Kyline sa kanyang special day.

Kyline AlcantaraAng surprise “quarantined party” para sa aktres ay inorganisa ng mga kaibigan at pamilya niya sa industriya. Buong akala ni Kyline ay may meeting lamang siya para sa isang shampoo endorsement pero nagulat siya nang makita ang mga naghihintay sa kanya sa venue.

Grateful ang aktres sa lahat ng mga nakaalala sa birthday niya at sa mga bumating fans at fellow celebrities. Sa Instagram post ni Kyline, pinasalamatan niya ang mga nagmamahal sa kaniya, “Swinging to adulthood now. I’ve been told that it’s not gonna be an easy ride. But with you people to guide me, I know that I’m gonna be just fine. Thank you all for your sweet greetings. I feel all your love. Sending my virtual hugs and kisses to all of you.”

Happy birthday, Kyline! Stay sweet and cute!

Manilyn ingat na ingat sa balik-taping

Manilyn Reynes and Arthur Solinap
Manilyn Reynes and Arthur Solinap

SA kanyang Instagram, ipinasilip ni Manilyn Reynes ang behind-the-scene photo nila ng co-star na si Arthur Solinap na kuha sa balik-taping ng cast ng award-winning comedy sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento’ para sa kanilang fresh episodes. Mapapansin na habang hindi pa nakasalang sa camera ay maingat ang dalawa na nakasuot ng face mask at sinusunod ang proper social distancing.

“Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nung Mar. 15. First scene po ito ~ sina Elsa at Robert @arthursolonap. Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God,” ani Manilyn.

Ngayong gabi, Sabado (September 5) ay may special comeback episode ang cast ng Pepito Manaloto para sa kanilang fans ngayong quarantine. Magsasama-sama sina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal