Klea sinorpresa ni Jeric ng bouquet of roses sa Cebu

September 22, 2019
Klea Pineda and Jeric Gonzales

PINAKIKILIG ng Kapuso stars na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales na kasalukuyang nagte-taping sa Cebu para sa kanilang much-awaited teleserye na “Magkaagaw“” ang netizens. Makikita sa kanilang Instagram photos kung paano sinorpresa ni Jeric ng isang magarbong bouquet of roses si Klea.  Bukod sa fresh na tambalang ito nina Klea at Jeric, mas mature at daring din ang roles na kanilang gagampanan sa teleserye.

Matatandaan na produkto ang dalawang Kapuso stars ng reality shows na Protégé at StarStruck.

Makakasama rin nina Jeric at Klea sa “Magkaagaw” ang mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon na paniguradong mas gagawing intense at exciting ang malapit nang mapanood na afternoon drama sa batuhan ng mga maaanghang na dialogues.