Home>Entertainment>Showbiz>Kring Kring aktibo muli sa showbiz

Kring Kring aktibo muli sa showbiz

Cristina `Kring-Kring’ Gonzales
Cristina `Kring-Kring’ Gonzales

FOR the first time since the pandemic started ay humarap through Zoom sa entertainment media ang comebacking singer-actress at dating politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales na nasa pangangalaga na ngayon ng Viva.

Kring-Kring as she’s fondly called in showbiz ay isa sa hot stars in the 90’s. Natigil lamang ang kanyang showbiz career nang siya’y magpakasal sa politician mula sa prominent Romualdez clan na si Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban, pamangkin ng dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos at first cousin ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte at current House Majority Floor Leader na si Martin Romualdez.

Mahigit dalawang dekada ring natigil ang showbiz career ni Kring-Kring at aminadong sobra niya itong na-miss.

Before Kring-Kring ay naging matinee idol noon ng Sampaguita Pictures ang kanyang yumaong ama, ang singer-actor, musician, politician at entrepreneur na si Jose Mari Gonzales. Ang panganay sa dalawang anak nina Kring-Kring at Alfred na si Sofia Romualdez ay isa ring mahusay na singer at songwriter.

Ngayon, nag-desisyon si Kring-Kring na muling balikan ang kanyang showbiz career dahil na rin sa pangungumbinse sa kanya ni Boss Vic del Rosario (of Viva).

Since she’s already a mother to two grown up daughters na sina Sofia at Diana, bukas na si Kring-Kring sa mother roles.

“Viva naman would know kung anong role ang babagay sa akin,” aniya.

Bago lumagda ng kontrata si Kring-Kring with Viva ay lumagda rin siya ng kontrata with Rhea Anicoche-Tan’s Beautederm bilang isa sa mga brand ambassadors ng popular beauty brand.

“I’m so excited with the new things coming my way,” masaya niyang pahayag.

“Bukod sa Viva, I’m so grateful kay Rei (ng Beautederm) for considering me to be a part of her growing family of brand ambassadors. I’m so excited,” dugtong pa niya.

“It would be exciting kung muli kong makakatrabaho ang mga kapanabayan ko noon at ang mga new breed of talents ngayon”.

Bukod sa kanyang pagbabalik-showbiz, abala rin si Kring-Kring sa pagpapatakbo ng ilang negosyo at kasama na rito ang Patio Victoria, isang restaurant and events place in Intramuros, Manila habang ang Tacloban branch nito ay ang anak niyang si Sofia ang namamahala.

Jolo itinutuloy ang Estrada legacy

MUKHANG malayo pang mapatid ang ugat ng mga Estrada o Ejercito sa showbiz dahil bukod kay Jake Ejercito, isa sa mga anak ng movie icon at dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph `Erap’ Estrada, pumasok na rin sa showbiz ang 27-year-old eldest son ng actor at dating senador na si Jinggoy Estrada na si Jolo Estrada na nasa pangangalaga ngayon ni Leo Dominguez.

Naunang pumasok sa showbiz ang younger brother ni Jolo na si Julian pero pansamantala itong huminto upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Aminado si Jolo na binigyan muna niya ng priority ang kanyang studies bago niya kinunsider ang showbiz na pinagmulan ng kanyang grandfather na si Joseph `Erap’ Estrada at kapatid nitong si George Estregan, uncles na sina E.R. Ejercito, Gary Estrada at Jake Ejercito at cousin na si Kiko Estrada at ang kanyang nakababatang kapatid na si Julian Estrada.

Si Jolo ay nagtapos ng entrepreneurship sa Ateneo de Manila University. Nung umpisa ay nasa negosyo ang kanyang focus. Nagtayo siya ng sariling barber shop in San Juan at kasunod na rito ang Ultrabox, ang sarili niyang boxing club.

Although hindi puwedeng mawala ang kanyang business interest, susubok na rin si Jolo sa acting which inspired him to lose weight at mag-gym regularly to achieve his present hunk look. He goes to the gym at least five times a week.

Natutuwa rin si Jolo dahil very supportive sa kanyang naging desisyong mag-showbiz ang kanyang parents na sina Jinggoy at Precy Ejercito.

Samantala, isa sa gustong makatrabaho ni Jolo ay ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

“She’s a very good actress. Pareho siyang magaling sa drama at comedy,” ani Jolo.

Janine at Rayver magkalaban na

Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

THIRTY-one-year-old singer-actress Janine Gutierrez will always be thankful sa kanyang former home studio, ang GMA dahil sila ang unang nagtiwala sa kanya para marating ang kinaroroonan niya ngayon.

After ten years of being with the Kapuso Network, Janine signed-up with ABS-CBN last January 15, 2021 at ang kanyang unang proyekto ay ang pagiging bahagi ng top-rating ang long-running Sunday musical variety show ng Kapamilya network, ang “ASAP Natin’ To” kung saan siya pumasok nung nakaraang linggo, January 24. Ito’y nataon pa sa pagpapalabas din ng programa sa TV5, another free broadcast tulad ng A2Z Channel 11.

Hanggang ngayon ay tila in cloud nine pa rin ang pakiramdam ni Janine at hindi siya makapaniwala na siya’y bahagi na rin ng `iconic’ musical variety show on television and gets to work with OPM icons tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid and the now generation singers-performers na dati-rati’y napapanood lamang niya. Ang maganda pa, kasama rin niya sa programa ang kanyang younger brother na si Diego Gutierrez na kamakailan lang din pumasok sa showbiz.

Sina Janine at Diego ay dalawa sa apat na anak ng dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Monching Gutierrez) at mga apo ng showbiz icons na sina Pilita Corrales, Eddie Gutierrez, Nora Aunor and Christopher de Leon.

Since nauna na si Janine sa showbiz, siya ang nagga-guide ngayon sa kanyang only brother na si Diego.

Samantala, magkatapat ang programang kinabibilangan ngayon nina Janine at nobyo niyang si Rayver Cruz. Si Janine ay nasa “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN at si Rayver naman ay nasa “All Out Sundays” ng GMA but they consider it as just work and they are both professionals.

Since they’re both 31 now, malamang na kinu-consider na rin ng dalawa ang paglagay sa tahimik in the future.

Katrina nakapag-invest sa El Nido

Katrina Halili
Katrina Halili

ISA kami sa natutuwa sa celebrities na marunong mag-invest sa perang kanilang kinikita dahil paghahanda na rin ito sa mga panahong hindi na sila ganoon ka-in demand sa showbiz.

Although aktibo pa rin hanggang ngayon sa kanyang acting and showbiz career ang Starstruck alumna at Kapuso actress na si Katrina Halili (35), hindi marami ang nakakaalam na ito’y nakapag-invest ng isang 13-hectare property sa El Nido, Palawan kung saan siya nakapagpatayo ng isang three-bedroom two-storey house, the singer-actress’ secret haven kapag meron siyang free time and where she spent longer time during the lockdown kasama ang kanyang 7-year old daughter (sa Fil-American singer na si Kris Lawrence) na si Katy (Katrence Lawrence Halili Cadevida) and her family.

Dahil sa pandemic, nanatili si Katy with her grandmother, Katrina’s mother na si Malou sa El Nido habang naging busy si Katrina sa Maynila sa kanyang TV series with GMA. Pero nang matapos ang kanyang serye last November ay agad lumipad si Katrina patungong Palawan to bond with her daughter and family na may ilang buwan din niyang hindi nakasama.

Si Katrina ay matagal nang hiwalay sa ama ni Katy, ang singer-composer na si Kris Lawrence.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asterAmoyo and Twitter: @aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger