Kring Kring magiging private citizen muli

May 22, 2019
Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez
Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez

SIMULA sa July 1, 2019, opisyal na ang pag-upo sa puwesto ng mga bagong halal sa 2019 mid-term elections. Kaya balik ang singer-actress-politician na si Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez sa pagiging private citizen. Bababa na siya sa puwesto bilang mayor ng Tacloban City na kanyang ginampanan sa loob ng tatlong taon at siyam na taon bilang konsehal ng siyudad bukod pa sa kanyang pagiging Unang Ginang ng balik-mayor ng city, ang kanyang mister na si Mayor Alfred Romualdez.

May posibilidad na balikan niya ang kanyang showbiz career.  Mas matututukan din ni Kring-Kring ang kanyang panganay na anak na si Sofia Romualdez na pumasok na rin sa showbiz. Ganoon din ang kanyang mga itinayong negosyo tulad ng Cristina Salon (na may dalawang branches in Tacloban) at ang events place na Patio Victoria (isa sa Intramuros, Manila at isa sa Tacloban).

Gayunman, Kring-Kring is not discounting the possibility na maaari rin siyang bumalik sa public service balang araw.