Home>Entertainment>Showbiz>Kring Kring nagbabalik-showbiz, pumirma sa Viva

Kring Kring nagbabalik-showbiz, pumirma sa Viva

Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez
Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez

AFTER more than two decades of being inactive in showbiz to devote her time sa kanyang domestic life – being a wife and mother (to two lovely daughters), singer-actress, entrepreneur and former politician Cristina `Kring Kring’ Gonzales-Romualdez is making a showbiz comeback sa tulong ng kanyang bagong home studio, ang Viva.

Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez, Vic del Rosario and Veronique del Rosario-Corpus
Vic del Rosario, Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez and Veronique del Rosario-Corpus

Known sa kanyang palayaw na Kring Kring, siya’y lumagda ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA) nung nakaraang Biyernes, January 15 in the presence of Viva’s stalwarts, ang mag-amang Vic del Rosario and Veronique del Rosario-Corpus, chairman-CEO and VAA President respectively.

Hindi ikinakaila ni Kring-Kring na talagang na-miss niya ang showbiz pero kailangan niyang i-prioritize ang kanyang pamilya lalupa’t nasa pulitika ang kanyang husband na si Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban na pinagsilbihan din niya bilang councilor for three terms (9 years) at bilang city mayor sa loob ng isang termino (3 years).

Kring Kring is the daughter of former Sampaguita matinee idol, ang yumaong singer-actor, businessman and former politician na si Jose Mari Gonzales and former model Charito Malarky. The family owns the number 1 recording studio in th 80s and 90s, ang Cinema Audio.

Kring-Kring who is of Spanish and British descent ay naging aktibo sa kanyang showbiz career in the 80’s and early 90’s at nakagawa siya ng mahigit 20 movies at kasama na rito ang “Angelina: The Movie,” “Mainit na Puso,” “Ang Katawan ni Sofia,” “Pamilya Banal,” “The Butch Belgica Story,” “Bad Boy 2,” “Sagad Hanggang Buto,” “Bikining Itim,” “Andrew Ford Medina: Huwag Kang Gamol,” “Pedrito Masangkay,” “Cheeta-eh: Ganda Lalake” at iba pa. She had the chance to work with top leading men which include the late Fernando Poe, Jr., Robin Padilla, the late Ace Vergel and Eddie Garcia, Edu Manzano, Richard Gomez, Joey Marquez, the late Rene Requiestas, Andrew E. and many more.

As a young child, noon pa man ay mahilig nang kumanta si Kring Kring na kanyang minana sa namayapang ama who was also a singer.

Kay Kring-Kring and her late dad na si Jose Mari naman minana ng kanyang mga anak na sina Sofia at Diana Gonzales Romualdez ang talent in singing and music.

Since isa nang golden girl si Kring-Kring at may grown up daughters na (but still so beautiful and flawless), she can now portray mother roles sa telebisyon at pelikula.

Before she signed up with Viva ay may inquiries na rin sa kanya for product endorsements.

Ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Kring-Kring ay ang Patio Victoria, isang events place na matatagpuan sa Intramuros, Manila. She also owns a beauty salon na matatagpuan sa Robinson’s Galleria na may branch in Tacloban City na pinatatakbo naman ng kanyang panganay na anak with Mayor Alfred, ang singer-entrepreneur na si Sofia.

Excited na si Kring-Kring sa kanyang showbiz comeback.

“Thank you so much to Boss Vic (del Rosario) and Veronique (del Rosario-Corpus) for their trust,” pahayag ng comebacking singer-actress.

Why Cory became closer to God

NANINIWALA ang beauty and wellness guru, host, inspirational speaker, author, columnist, philanthropist na si Cory Quirino na ang kanyang kidnapping ordeal in 1995 made her closer to God.

“I could have been gang-raped and killed by my abductors kung pinabayaan ako ng Diyos,” she recounted.

But throughout her ordeal ay hindi nawala ang kanyang pagtawag sa Diyos.

Si Cory together with her personal assistant and a driver were on their way back to Manila from a taping in Laguna nang harangin ang kanilang sasakyan ng ilang armadong lalake.

Ang kanyang driver ay binaril and was mistaken for dead at itinapon sa isang gubat habang kasama naman ni Cory ang kanyang assistant sa loob ng sasakyan ng mga armadong lalake hanggang sa sila’y makarating na Bicol.

Bukod sa taimtim na dasal, Cory was so smart at hindi siya nagpakita ng takot sa kanyang mga abductor kasama ang kanyang assistant. It was kidnap for ransom pero bago pa man ito naisakatuparan ay na-intercept ang sasakyan ng mga kidnapper on their way back to Manila kung saan lulan si Cory and her assistant at naisalba silang buhay.

“God saved us!” pahayag niya.

Pati ang driver ni Cory ay nabuhay kahit may tama ng bala.

Ang kidnapping experience na `yon ni Cory ay isinapelikula ng Golden Lions Productions ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas na si Carlo J. din mismo ang nagdirek in 2003. Ito’y big-budget movie where Ara Mina played the role of Cory.

A popular TV host and former radio anchor and book author, si Cory ay aktibo pa rin hanggang ngayon sa paghu-host (online) ng kanyang show na may kinalaman sa beauty and wellness and women empowerment. Active din siya sa kanyang iba’t ibang advocacies and charity works.

Baron mga dating addict at alcoholic ang empleyado sa barber shop

AFTER the contract-signing of Cristina `Kring-Kring’ Gonzales sa tanggapan ng Viva ay aksidente naming nakita ang isa pang comebacking actor na si Baron Geisler na isa na ring Viva contract talent . Kagagaling lamang ng controversial actor sa kanyang kauna-unang digital press conference na may kinalaman sa kanyang pagiging Viva talent.

Tulad ni Cristina Gonzales, excited din si Baron sa kanyang pagbabalik-showbiz sa tulong ng Viva.

Baron is currently based in Cebu with his Cebuana wife, ang psychologist na si Jamie Marie Evangelista. Ang dalawa ay ikinasal sa civil wedding rites nung September 12, 2019 sa Quezon City Hall at meron na silang isang anak, isang baby girl na si Talitha Cumi who is turning 1 on January 20.

“Nag-iba ang pananaw ko sa buhay nang magkaroon ako ng sariling pamilya at magka-baby,” proud niyang tinuran.

Si Baron ay may itinayong barber shop sa Gaisano Country Mall in Cebu kung saan siya ngayon naka-base with his family. Ang kanyang barber shop, ang Gents Barbershop employs former addicts and alcoholics na binigyan din niya ng panibagong chance.

Kapag naging busy na muli si Baron sa kanyang showbiz career, he will try to find a place in Manila at sisikapin din umano niyang magkaroon muli ng sasakyan dito pero magpapabalik-balik umano siya ng Cebu na napamahal na rin sa kanya tulad ng actor na si John Lloyd Cruz who owns a place in the city.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger