Kris bakit ipinagkakait sa mga ama ang mga anak?

March 11, 2020

WHEN it comes to her being a single parent to her two boys na sina Joshua and Bimby, walang maipipintas ang mga tao sa dating Presidential daughter and sister na si Kris Aquino.  She is almost perfect being a mom and a father to her sons.  Pero sa obserbasyon ng iba, mas makukumpleto umano ang kaligayahan ng dalawang anak ni Kris kung magiging bukas ang puso ng TV host-actress at celebrity endorser na hayaang maging close din ang kanyang mga anak sa kanilang mga ama na sina Phillip Salvador at James Yap.  Hindi kasi buo ang pagkatao ng kanyang mga anak kung malayo sila sa kanilang biological fathers.

Financially, walang question na kayang buhayin ni Kris at suportahan ang  mga pangangailangan ng kanyang mga anak pero kulang pa rin ito kung hindi nila nararanasan ang pagmamahal sa kanila ng kanilang tunay na ama.

As far as we know, naghihintay lamang daw talaga sina Ipe (Phillip) at James na mabigyan ng pagkakataon ni Kris na mapalapit sa kanilang mga anak.

Bakit kailangan umano ni Kris na ipagkait ang aspetong ito lalupa’t hindi niya kailanman magagampanan ang role ng pagiging ama sa kanyang mga anak?