Kris at BF kasama sa listahan ng celebrity weddings 2020

February 08, 2020

MALAMANG na kasama sa listahan ng mga celebrity couple na nakatakdang ikasal sa loob ng taong ito ang newly-engaged couple na sina Kris Bernal at ang chef-businessman niyang fiancé na si Perry Choi.

Si Perry ay nag-propose kay Kris last Thursday evening, February 6 on his birthday na in-organize mismo ng Kapuso actress sa El Circulo Restaurant in Makati.

Sa halip na si Perry ang magulat ay si Kris ang na-sorpresa nang biglang mag-propose ang kanyang boyfriend of three years.

Sina Kris at Perry ay magka-sosyo sa isang restaurant business.  Pero bago ito ay nagtayo noon si Kris ng kanyang sariling burger joint ang MeatKris.  Bukod dito, meron din siyang sariling cosmetics line, ang SHE Cosmetics which was launched in December 2018.  Taong 2018 din nang makabili ang Kapuso actress ng two-storey house in West Covina, California, USA bilang bahagi ng kanyang investments.

Si Kris ay produkto ng reality talent search ng GMA, ang Starstruck in 2005 at sila ni Mart Escudero ang tinanghal na Ultimate Loveteam pero mas tumatak ang naging tambalan nila noon ni Aljur Abrenica na Kapamilya actor na ngayon.

Kung Chinese-Filipino ang fiancé ni Kris, maging siya man ay may dugong Chinese dahil sa kanyang ina na Tan ang apelyido.

Ang tunay na pangalan ni Kris ay Kristine Ann Tan Bernal.