Kris, dedma sa pakikisawsaw nina Aiko at Enchong kay Greta

January 07, 2019
Kris Aquino

Ang sagot ni Kris na, “If it doesn’t bother me, why are you bothered? They aren’t the enemies. They don’t like me -- no biggie. Please learn the way I’ve learned -- focus on who matters & what matters. For me it’s my health for my sons followed by my court cases for the truth  to be decided in the court of law.”

Sagot ’yun ni Kris sa tanong ng isa niyang follower kung ano ang comment niya sa pagla-like nina Aiko Melendez at Enchong Dee sa post ni Gretchen Barretto.

Dedma si Kris, pero hindi ang followers niya lalo’t magkumare pala sila ni Aiko at si Enchong, naggi-guest sa shows niya sa ABS-CBN dati.

Pero kung hindi nga bothered si Kris, hindi kailangang maging concerned ang kanyang supporters. Dahil mahal nila si Kris, hindi maiwasan ito.

Pati ang isyung nagpopondo siya ng destabilization plot sa gobyerno ni President Rody Duterte, sinagot at itinanggi ni Kris.

Nalaman tuloy na hindi pa rin sila nagkakaayos ng brother niyang si former President Noynoy Aquino.

Samantala, tinanong si Kris kung ano ang birthday gift niya sa kanyang sarili sa birthday niya sa February 14.

Sagot niya, wala siyang regalo dahil mahal ang medical evaluation na ginagawa sa kanya sa Singapore.

Fourteen days siya roon at nagdadasal ng magandang resulta.

Although sabi niya, paggising niya, may prominent “butterfly rash” sa face niya at ang butterfly rash yata ang isa sa symptoms ng lupus.

Hindi kasama ni Kris sa Singapore si Josh, si Bimby lang ang sumama sa kanya dahil hate ni Josh ang hospitals.

Na-trauma si Josh sa hospital dahil 10 months old pa lang, naoperahan na at nawala pa ang lola Cory at isa pang lola na sister ni Pres. Cory.

Pinasusunod daw niya si Josh sa Singapore, pero tumanggi.