Kris, gustong makaharap ang kinasuhan

November 16, 2018

Hindi direktang inamin o itinanggi ni Kris Aquino ang tungkol sa diumano’y  threat niya sa ex-manager na si Nicko Falcis base na rin sa pahayag ni Atty. Jesus "Jess" Nicardo Falcis III na younger brother ni Nicko.

Sa video interview na ipinost ng TV5 news reporter na si MJ Marfori sa Facebook last Thursday, natanong si Kris kung totoo bang may threat siya kay Nicko at balik-tanong niya, “Sino ang nagsabi?”

Sumagot naman ang nagtanong na si Atty. Falcis at sagot ulit ni Kris, “Sana si Nicko ang nagsalita” at nag-excuse na sa media.

Ang nasabing interview ay naganap sa Mandaluyong Hall of Justice matapos ang hearing ng kasong qualified theft na isinampa ni Kris kay Nicko.

Hindi nakadalo ang dating manager dahil ayon nga kay Atty. Falcis sa kanyang panayam last Thursday morning, nasa ibang bansa ang kapatid at hindi makauwi dahil sa mga pagbabanta ni Kris.

Sa nasabing panayam ay nagbigay din ng mensahe si Kris para kay Nicko.

“I’m sorry that it came to this because I had to see papers that I should not receive, but unfortunately, I did. This could have been fixed and I will reiterate that six times nag-attempt ang side namin.

“Kung patuloy naman na tinatanggihan ka, eh, ikaw na ang naagrabiyado, meron nang mali doon.

“Pero sasabihin ko, kasi ang last statement was ‘we are open for an amicable settlement.’ I’m saying it directly to you, Nicko, we shared something special. You helped me rise up when I was down. May utang na loob ako. Kaya natin ’tong ayusin, sana naayos ito kung tayong dalawa lang.

“And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends, bakit hindi ko ’yun gagawin, eh, kinabukasan ’to ng mga anak ko?

“And ’ yun ang masakit, eh, kasi itinuring ka naming pamilya. Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin, pero magpakita ka naman sa akin na you’re at least trying to meet me halfway, because I’ve done more than my share. Everytime I had a milestone in my life, I share it with you.

“I no longer blame you for all the health woes I went through kasi binigay ko na ’yan kay God. It’s really up to Him. All I’m saying is I have done my share to try to fix this. And if you will not try to meet me halfway, I did not make any unreasonable demands. My lawyers were being fair. You were never named until last night.

“You know why I did not name you, because I know kung ilan ang followers ko at hindi ko gusto na gawin ito na sirain ang buhay mo,” ang mensahe ni Kris.

Sa huli ay sinabi rin niyang gusto niya itong maayos at hindi raw siya humihingi ng simpatiya sa mga tao.

“This is not a play for sympathy, it’s just the truth. So, let’s fix this,” ang pagtatapos pa ni Kris.