Home>Entertainment>Showbiz>Kris may bagong pahiwatig ng pagbabalik-TV

Kris may bagong pahiwatig ng pagbabalik-TV

Kris Aquino
Kris Aquino

SA kabila ng hindi pagkakatuloy ng mga naunang ini-announce na projects, muling nagpahiwatig si Kris Aquino na matutuloy na umano ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Makailang beses nang tinangka ni Kris na bumalik bilang TV host kung saan siya talaga nababagay, pero lagi itong nauunsiyami. Sa pagkakatong ito, umaasa ang kanyang mga tagahanga na magiging totoo na ito. At ang hula ng marami ay malamang mangyari ito sa kanyang dating home studio, sa Kapamilya Channel. Gayunman, wala pang nagkukumpirma sa magkabilang panig.

May nagsabi rin na baka mangyari naman ito sa Net25 na nagi-infuse na rin ng mga bagong entertainment programs.

Brightlight ni Cong. Albee umiingay na

KAHIT baguhan pa lamang ang negosyante at dating politician na si Albee Benitez sa TV production, agad itong gumawa ng ingay bilang TV blocktime producer dahil sa sunud-sunod na paglu-launch ng mga bagong programa sa TV5 under his own Brightlight Productions tapping (former) ABS-CBN talents including directors and staff.

Last Sunday, October 18 ay nagsimulang mapanood sa ere ang pinakabagong Sunday musical variety show na “Sunday Noontime Live” o SNL kung saan tampok ang prime talent ng ABS-CBN, ang matinee idol na si Piolo Pascual kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at Jake Ejercito. Sina Piolo, Maja at Donny ay pare-parehong homegrown talents ng ABS-CBN habang si Catriona ay naging guest co-host sa “It’s Showtime” at ilang beses ding nag-guest sa “ASAP Natin `To”. Si Jake ay talent na rin ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN kung saan ang veteran director na si Johnny Manahan ang co-founder at dating head. Si Mr. M (Johnny Manahan) din ang director ng SNL na siya ring dating director ng katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang longest-running Sunday musical show na “ASAP Natin `To” kung saan din nagmula sina Piolo, Maja at Donny.

Last Monday, October 19 ay nagsimula namang mapanood ang bagong daily noontime program na “Lunch Out Loud” (LOL) from 12 noon to 2 p.m. kung saan ang mga host ay nagmula rin sa Kapamilya Channel, sina Billy Crawdford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas at Wacky Kiray. Kasama rin sina sila KC Montero at Macoy Dubs. Pagdating naman ng 2 p.m. to 3 p.m. ay sumunod naman ang series na “I Got You” kung saan tampok na mga bituin sina Beauty Gonzales, Jane Oineza at RK Bagatsing na identified din sa ABS-CBN. Kasunod ang bagong gag show na “Sunday Kada” at 3 pm – 4 p.m. kung saan naman kasama ang ilan sa mga cast member ng dating gag show ng ABS-CBN, ang “Banana Sundae” na sina Jason Gainza, Sunshine Garcia, Ritz Azul, Wacky Kiray kasama ang iba pang ABS-CBN talents na sina Jerome Ponce, Josh Colet, Miles Ocampo, Daniel Matsunaga, Jhen Maloles.

Brightlight Productions din ang producer ng “Rated Korina” ni Korina Sanchez-Roxas na mapapanood naman sa TV5 every Saturday at 5 p.m. to 6 p.m. na sinusundan ng family sitcom na “Oh My Dad” kung saan tampok ang iba pang dating Kapamilya talents na sina Ian Veneracion, Matthey Balderama, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel, Adrian Lindayag, Ariel Ureta with Gloria Diaz na pinamamahalaan naman ng (dating) in-house director ng ABS-CBN na si Jeffrey Jeturian.

Magiging exciting din ang bagong Saturday programming ng TV5 dahil mapapanood na rin ang local franchise ng nakakatuwang musical celebrity competition na “Masked Singer Pilipinas” at 7 p.m. hosted by Billy Crawford at kung saan naman tatayong celebrity judges sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina. Ito’y susundan ng pagbabalik ni Ryan Agoncillo bilang host ng newly-revived na talent competition program, ang “Talentadong Pinoy” at 8 p.m. Kasunod na rito ang celebrity magazine talk show na “Usapang Real Life” hosted by veteran broadcast journalist Luchi Cruz-Valdes at 9 p.m.

Ang obserbasyon nga ng iba ay tila extension ng ABS-CBN ang TV5 dahil pawang mga talents ng Kapamilya ang napapanood ngayon sa Kapatid Network.

Simula naman sa October 31 (Saturday) at 6 p.m. ay mapapanood ang “Ghost Adventures” na tinatampukan nina Benjie Paras, Empoy Marquez, Kylie Verzosa, Andrew Muhlach at iba pa na pinamamahalaan ni G.B. Sampedro mula sa konsepto mismo ni Benjie Paras. Ito’y isa sa maraming programang mapapanood produced ng Viva TV in co-production with Cignal TV for TV5.

Sa kabila ng tinatawag na `new normal’ at pagbasura ng mga kongresista ng free TV broadcast ng ABS-ABS, mas exciting ngayon ang mga fresh or new programs na napapanood sa telebisyon.

Mga artista nasasanay nang walang alalay

NASASANAY na ang mga artista, writers, directors, production and technical people sa tinatawag na `new normal’ health protocol during tapings and shootings na before and after ay kailangang magpa-swab test ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng involved sa production.

Hindi na rin uso ngayon sa tapings at shootings ang mga personal assistant ng mga artista to minimize the number of people sa set kaya kani-kanya nang bitbit ng kanilang mga gamit and all their personal needs at kasama na rito ng kanilang mga sariling plates, spoons and forks, glasses, water jugs at iba pa. Ang iba sa kanila ay may bitbit pang rice cooker at microwave dahil inaabot ng sampung araw to two weeks ang kanilang lock-in period sa shooting o taping.

In a way, natututong maging independent ang mga artista without being dependent sa kanilang personal aides.

Gardo signs up with Viva

MATAPOS ang sunud-sunod na paglagda ng talent management contract with Viva Artists Agency (VAA) nina Diego Loyzaga, McCoy de Leon at Julia Barretto (na nagmula sa Star Magic ng ABS-CBN), ang 50-year-old actor namang si Gardo Versoza ang pinakabagong nag-sign-up with VAA noong October 21, araw ng Miyerkules.

Sa rami ng iba’t ibang proyekto ng Viva both sa movies at telebisyon at iba pa nilang platform, Gardo (who is Mennen Torres Polintan in real life) is assured of projects.

Si Gardo ay nagsimula sa kanyang showbiz career in 1991 sa pamamagitan ng comedy film na “Onyong Majikero” na tinampukan nina Vic Sotto at Lorna Tolentino. But it was in mid-90’s nang sumipa ang kanyang career when he was signed up by Seiko Films at gawing sexy actor sa pamamagitan ng mga pelikulang “Machete 2,” “Kandungan,” “Kirot 2,” “Halimuyak ng Isang Babae” at iba pa. Binago rin ng Seiko Films ang kanyang screen name from Mennen Torres to Gardo Versoza. Pero mula sa mga sexy movies ay nagsimla na rin siyang gumawa ng mga action films tulad ng “Climaco,” “Mison,” “Ka Hector” at iba pa. Naging bahagi rin siya sa big-budget Marilou Diaz-Abaya film na “Rizal” kung saan siya gumanap sa papel ni Andres Bonifacio. Bukod sa iba pang sumunod na movies na kanyang ginawa ay naging in-demand din si Gardo sa mga TV series (both with ABS-CBN and GMA) tulad ng “Mula sa Puso,” “Sugo,” “It Might Be You,” “Katorse,” “Let the Love Begin,” “Onanay” at marami pang iba.

After 13 years of being together with his long-time partner na si Ivy Vicencio, he proposed and married her in a simple ceremony nung May 20, 2019. Ang mag-asawa ay merong 7-year-old son na si Deity Uziel.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger