Kris may nakatakdang talk show sa TV5

July 08, 2020
Kris Aquino

NAGBABAKASYON ngayon sa Pradera Verde in Pampanga with the Pineda family ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap habang nasa kanilang ancestral house in Tarlac naman ang kanyang panganay na si Joshua.  Mas gusto umano ni Joshua sa Tarlac dahil gusto niyang mag-jogging doon.

Mukhang naibigan ng mag-iina ang buhay-probinsiya magmula nang bumalik sila ng Maynila from Puerto Galera kung saan sila nag-stay ng ilang buwan sa pag-aaring resort doon ng TV host-producer na si Willie Revillame.

Samantala, matuloy kaya ang napapabalitang bagong TV show ni Kris sa TV5 na pinamagatang “Love Life with Kris” na magsisimula raw sa July 25?

Kris’ last TV show, ang “Kris TV” on ABS-CBN  ay huling napanood in 2016.

In fairness to Kris, she still has a strong following both on TV and on social media.