Kris, may throwback moment sa ABS-CBN

November 24, 2018
Kris Aquino
Kris Aquino

May magandang balita si Kris Aquino that she shared sa followers niya sa Instagram (IG). Una niyang pinost ang “THANK YOU ABS-CBN. It is pure relief that our copyright issue regarding my name, signature, and company logo was  amicably resolved. With only sincere GRATITUDE for 20 memorable years, your former KAPAMILYA.”

Pinost din ni Kris ang copy ng Compromise Agreement, hindi lang in full, kaya hindi nabasa ang kabuuan. May kirot lang sa mga nakabasa sa post ni Kris ang sinabi nitong “your former KAPAMILYA” dahil ang feeling nila, wala nang chance na bumalik pa sa ABS-CBN si Kris.

Kinuwento rin ni Kris ang mga taon na nasa ABS-CBN siya, ang mga show na ginawa niya at pelikulang ginawa niya sa Star Cinema. Mula ng 25 years old siya hosting Today with Kris at ang mga sumunod niyang shows at pelikula hanggang sa last show niya after her 45th birthday sa Kris TV.

“I made a promise, i shall reminisce only when i can SMILE about was...@abscbn has graciously agreed to a very fair compromise agreement,” sabi ni Kris.

Nabanggit din ni Kris na marami siyang endorsement shoots with Josh and Bimby in the next two weeks, she was asked by her doctors na mag-rest para may lakas siya na gawin ang kanyang mga trabaho.