Kris, namili ng shorts sa Puregold

April 06, 2020
Kris Aquino

NAABUTAN ng Luzon lockdown sina Kris Aquino, mga anak na sina Josh at Bimby at iba pang kasama, kabilang si Alvin Gagui, sa Puerto Galera.

March 1 pa sila nandu’n kaya bale six weeks na silang wala sa kanilang bahay.

Umaasa si Kris na makakabalik at makakauwi sila bago ang 13th birthday ni Bimby sa April 19.

Pero, kung ma-i-extend pa ng two weeks ang lockdown, sa Puerto Galera pa rin magsi-celebrate ng kanyang birthday si Bimby.

Sa kanyang post, nabanggit ni Kris na nagkaubusan na sila ng damit, bumili sila ng shorts sa Puregold, Calapan at suot nila ni Josh ang biniling shorts.

Humiram naman siya ng shirts sa mga anak na dahil malalaki, puwede niyang gawing night shirt.

Nagpa-Q&A si Kris sa kanyang followers at ang ganda ng mga sagot niya sa mga itinanong sa kanya.

Naintriga at nag-isip kami sa sagot ni Kris na  “end of January 2007, i should have left with my dignity intact... and April 2014, the end should have been THE END” sa tanong na “given a chance ano po gusto nyong ibalik or balikan sa part ng buha nyo...?”

Ano nga ba ang nangyari kay Kris at sa buhay niya sa binanggit na dalawang petsa at hindi niya makalimutan?

Anyway, may nag-comment na hindi makapaniwala na magsusuot si Kris ng Baleno shirt dahil branded ang mga gamit niya at can afford siya bumili ng mamahaling brand.

“This lockdown has taught me time to let go of too many clothes & shoes, hindi talaga necessity,” ang sagot ni Kris.

May mga nagbiro tuloy at humingi ng bag kay Kris dahil alam ng followers niya na mahilig siya sa bags at marami siya nito.

Sa tanong naman kung paano niya ini-spend ang time niya sa ECQ?

“i’ve read more than 12 books... saw all episodes of The Deputy & The Rookie,” ang sagot ni Kris.