Home>Entertainment>Showbiz>Kris walang pagbabago

Kris walang pagbabago

Kris Aquino
Kris Aquino

KRIS Aquino is Kris Aquino.

She has been known as “the woman you love and love to hate at the same time.” She is really brutally frank. Kaya hindi na bago sa amin ang isyu tungkol sa pahayag niya na hindi raw sila magka-level ni Mr. Fu kaya diumano hindi siya pumayag na makasama ito sa isang bagong talk show.

‘Yan si Kris. Walang preno ang bibig. Hindi na sana siya kilala sa pagiging taklesa. Totoo naman na hindi niya ka-level si Mr. Fu. That is if we are talking about lineage, wealth and career. Huwag na nating isa-isahin dahil malayo talaga. Pero, sa totoo lang, hindi naman kayamanan o kung ano ang narating sa buhay ang dapat maging sukatan sa ating pagkatao.

Maybe, Kris was just referring to her status in showbiz that made her say that. Kaya hindi na big deal sa amin ito. Dahil ako mismo nakaranas ng panlalait niya. Matagal na ‘to, sa birthday party noon ng talent manager-showbiz columnist na si Chit Ramos. We were introduced to each other and upon knowing that we are both Aquinos and neighbors in Times Street, she raised her eyebrows and blurted out “I’m sure I’m richer than you!” Mula noon hanggang ngayon, consistent pa rin sa pagiging brutally frank itong si Kris.

Kaya hindi na isyu sa amin ‘tong pagsasabi raw niyang hindi sila magka-level ni Mr. Fu. Pero ang big deal sa amin ay kung bakit hanggang ngayon ‘di pa rin nababawasan ang pagiging brutally frank niya (na para sa amin ay kamalditahan)? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal