Home>Entertainment>Showbiz>Kristine buntis na naman

Kristine buntis na naman

SHOWBIZ couple Kristine Hermosa and Oyo Sotto are expecting their 5th child, another boy.

Kristine’s pregnancy was first announced in December 2020 at kamakailan lamang ay ibinahagi ng mag-asawa na boy ang kanilang magiging bagong baby kaya nagbiro si Oyo na baka masundan pa ang ipinagbubuntis ngayon ng kanyang misis dahil gusto pa nilang magkaroon ng baby girl bukod kay Ondrea Bliss. Bukod sa kanilang upcoming baby, ang tatlo pa nilang boys ay sina Kiel Kaleb at Vin.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Kristine ay pang walong apo ng veteran TV host-producer, singer-composer at actor-comedian na si Vic Sotto at ng kanyang ex-wife, ang veteran actress na si Dina Bonnevie.

Si Vic ay may dalawang apo sa kanilang panganay ni Dina na si Danica Sotto-Pringris, isa kay Paulina Sotto-Llanes (kay Angela Luz)at magli-lima naman kay Oyo.

Si Kristine ay nagtataglay ng isa sa pinakamaganda at pinakamaamong mukha sa showbiz.

Julia last love na ni Gerald?

SI Julia Barretto na nga kaya ang last love ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson? Lumalabas kasi sa magkahiwalay na pahayag ng dalawa na plano na rin nilang magkaroon ng sariling pamilya.

Magmula nang aminin ni Gerald sa King of Talk na si Boy Abunda ang tunay na estado ng relasyon nila ni Julia ay naging very open ang dalawa sa publiko na magkasama silang dalawa.

Samantala, kung lantad na ngayon sa publiko ang relasyon nina Gerald at Julia, kailan naman aaminin ng ex ni Gerald na si Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang relasyon?

Maine at Alden mas magandang naging magkaibigan lang

MATAGAL nang nakapag-move on si Alden Richards sa kanilang dating tambalan ni Maine Mendoza na may ibang boyfriend, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde na mahigit dalawang taon na ring kasintahan ng dating `dubsmash queen’.

Habang nananatiling magkaibigan pa rin hanggang ngayon sina Alden at Maine dahil magkasama pa rin sila sa daily noontime show na “Eat Bulaga” kung saan nabuo ang kanilang loveteam, mukhang hindi pa rin matanggap ng kanilang mga fans, ang AlDub nation na iba ang reality sa fiction. Kung ginusto ni Alden, dapat ay niligawan niya noon si Maine at naging sila. Pero walang ganoong scenario. They’re better off as friends although parehong thankful ang dalawa dahil ang kanilang loveteam o tambalan ang nag-propel sa kanilang kasikatan na tinatamasa ngayon.

Showbiz history can tell na mas maraming loveteams ang hindi nagkatuluyan sa tunay na buhay tulad na lamang ng panahon ng Susan Roces at Eddie Guttierez, Gloria Romero and Luis Gonzales, Nida Blanca and Nestor de Villa, Nora Aunor and Tirso Cruz III, Vilma Santos and Edgar Mortiz, Maricel Soriano and William Martinez, Snooky Serna and Albert Martinez, Dawn Zulueta at Richard Gomez, Sheryl Cruz and Romnick Sarmenta, Manilyn Reynes at Janno Gibbs, Kristine Hermosa at Jericho Rosales at napakarami pang iba kaya hindi naiiba sa kanila ang tambalan nina Alden at Maine na screen loveteam lamang at hindi sa totoong buhay.

Kung mahal ng mga fans ang kanilang mga ini-idolo, dapat ay suportahan nila ang mga ito kahit iba ang itinitibok ng kanilang puso.

NAKATAKDANG i-announce ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nunez ang line-up ng mga talents na kabilang sa kanilang bagong tatag ng Crown Artist Management, ang talent management company na itinatag ni Maja kasama ang nobyong si Rambo ang ina nitong Marilen Nunez and two separated employees ng ABS-CBN na siyang bumubuo ng board ng korporasyon.

Bukod kay Maja na siyang maiden talent ng Crown Artist Management, may iba pang mga datihan at bagong talents ang mapapabilang sa bagong tatag sa talent management company. Lumulutang din ang pangalan ni John Lloyd Cruz pero ayaw pa itong kumpirmahin nina Maja at Rambo.

Kabilang din kaya si Piolo Pascual?

Magmula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, marami sa mga Kapamilya talents ang nagkani-kanya nang lipatan sa iba’t ibang talent management companies and talent managers habang ang iba naman ay lumipat na sa bakuran ng GMA.

Subscribe, like, share and hit the notification button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Twitter@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger