Kulang na sa pasabog?

August 13, 2019
Jessica Soho

AND the winner is Kapuso Mo Jessica Soho.

Mukhang tuluyan nang tinalo ni Jessica Soho ang katapat niyang si Korina Sanchez. That seems to be what the latter tells the viewers. Rated K is now assigned to earlier timeslot effective last Sunday. August 11. Aminin o hindi, laging trending at panalo sa rating ang KMJS. The credit goes to the well-researched contents they feature every Sunday. Plus, the well-conceptualized treatment of its segments. Kaya 'di nakapagtataka na pumapatok ang mga linyahan ni Jessica gaya nang "lumipad ang aming team", "diumano'y" at iba pa. Sa katunayan, laman ng mga viral meme ang multi-award winning broadcast journalist.

To be fair, Korina has nothing to prove as a broadcast journalist. Maging ang kanyang Rated K, ilang taon pa rin namamayagpag sa telebisyon. Its 15-year airing speaks for itself. Kaya siguro itinaon ng programa ang paglipat sa bagong timeslot sa 15th anniversary nito. Pero wala namang pasabog o malaking istorya sa episode nito.

Mula nang maging Mrs. Mar Roxas si Korina, napansin namin na parang nawala na 'yung magic ng Rated K. Noon kasi, inaabangan pa namin ang mga kakaibang kuwento nito. Pero ngayon, sabi ng isang kaibigan namin, tila kung anu-ano na lang ang featured stories may maipalabas lang. Parang mas interesting pang panoorin ang Instagram posts ni Korina araw-araw tungkol sa kanilang twins ni Mar.

Sa paglipat nito sa mas maagang timeslot, muli kayang sisipa sa ratings ang Rated K. O tuluyan na ring magre-retire itong si Korina para mag-full time mom na lang sa kanilang twins na sina Pepe and Pilar? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo