Home>Entertainment>Showbiz>Kylie gaganap sa local remake ng ‘The Housemaid’

Kylie gaganap sa local remake ng ‘The Housemaid’

Kylie Verzosa
Kylie Verzosa

ANG 2016 Bb. Pilipinas-International at Miss International beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa ang napisil ng Viva Films to portray the title role ng local remake ng South Korean hit and award-winning movie na “The Housemaid” na pamamahalaan ni Roman Santillan Perez, Jr. na siya ring nagdirek ng 2019 erotic-suspense-thriller movie na “Adan” na launching movie ng dati ring beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda at “Walang Tulugan with the Master Showman” alumna na si Rhen Escano.

Makakasama ni Kylie ang mga acting veteran na sina Jaclyn Jose, Albert Martinez at Alma Moreno, among others.

Ang “The Housemaid” ay isang iconic domestic drama-thriller-suspense-crime black and white South Korean movie na dinirek ni Kim Ki-young na siya ring nag-produce ng pelikula. Ito’y ipinalabas nung November 1960. Ang nasabing pelikula ay kinu-consider na isa sa mga top Korean films of all time. The movie was remade in 2010 na pinamahalaan ni Im Sang-soo at ipinalabas nung May 2010 at naging kalahok sa 2010 Cannes International Film Festival. Ito’y tinampukan nina Jeon Do-yeon, Lee Jung-jae, Seo Woo at Youn Yuh-jung. Ang nasabing pelikula ay nakapag-uwi ng limang awards, tatlong Best Supporting Actress trophies for Youn Yuh-jung mula sa Asian Film Awards, Blue Dragon Film Awards at Grand Bell Awards, Best Art Direction for Lee Ha-jun mula sa Blue Dragon Awards at People’s Choice Award for Jeon Do-yeon mula sa Asian Films Awards.

Ayon kay Kylie, napakalaking challenge umano sa kanya ang pelikulang “The Housemaid”. She fell in love with the story when it was pitched to her laluna nang mabasa ng kanyang boyfriend, ang actor na si Jake Cuenca who even encouraged her to accept the project.

Pinanood din ni Kylie ang original version ng “The Housemaid” para mapaghandaan niya ang role. She also started doing acting workshops to prepare for the role.Magsisimula silang mag-shoot on Sunday, October 25 following the mandated safety and health protocols.

Albert iniisip nang mag-retire

Albert Martinez
Albert Martinez

INAMIN ni Albert Martinez na kinunsider umano niyang mag-retire bilang actor dahil sa pandemya pero hindi rin niya magawa dahil patuloy pa rin ang dating sa kanya ng mga proyekto at kasama na rito ang pelikulang “The Housemaid” under Viva Films. May sisimulan din siyang bagong teleserye under Kapamilya Channel habang patuloy siyang napapanood sa replay run ng dalawang hit teleserye na “The General’s Daughter” at “Kadenang Ginto”.

Although walang exclusive contract with ABS-CBN, he considers himself a true Kapamilya kung saan siya kabilang since 2004.

On April 19 sa susunod na taon ay isa nang ganap na senior citizen si Albert as he turns 60. In a couple of months ay magiging tatlo na ang apo ng Kapamilya actor. May isa nang apo si Albert sa kanyang panganay na si Alyanna at mister nitong si Roy Macam, ang almost 3-year-old na si Adalynn Riley Martinez Macam. Alyanna and her family live in Los Angeles, California. May-asawa na rin ang bunsong anak ni Albert na si Alissa na si Paulus Reyes. The couple is expecting their first child habang si Alfonso naman ay engaged na sa kanyang only son na si Alfonso sa fiancée nitong si Mikaela Hann na buntis na rin sa kanilang magiging unang baby.

Mukhang wala nang balak na mag-asawa pang muli ang veteran actor na isa nang biyudo nang sumakabilang-buhay ang kanyang misis na si Liezl Sumilang-Martinez dahil sa breast cancer nung March 14, 2015.

During the lockdown ay nagkaroon siya ng pagkakataon to bond with his children at apo na si Adalynn, his father na si Bert Martinez maging sa kanyang siblings which include former matinee idol-actor William Martinez.

‘ASAP Natin ‘To’ mahirap tapatan

MAHIGIT 25 years nang namamayagpag sa ere ang Sunday musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP Natin `To” kaya mahihirapan ang alinmang TV network na ito’y tibagin.

Last Sunday, October 18 ay nangyari ang tapatan ng dalawang musical shows ng Kapamilya Channel/A2Z Channel 11 (“ASAP Natin `To)”, TV5 (“Sunday Noontime Live”) at GMA (“All Out Sundays”) kaya nag-fiesta ang mga manonood.

Without being biased to ABS-CBN, ibang-iba pa rin ang dating ng “ASAP Natin `To” in terms of production and stars value. Nagmistulang nagsibabaan sa lupa ang stars sa langit dahil sa star-studded presentation ng programa from start fo finish.

Sa simula pa lamang ng “ASAP Natin `To” ay sinimulan nila ito ng production medley numbers ng “We are Family” ng Sister Sledge, “Happy” ni Pharell Williams at “On Top of the World” ng Imagine Dragons kung saan tampok ang ASAP mainstays na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jed Madela, Jason Dy, Nyoy Volante, Jona Vira, Elha Nympha, Moira de la Torre, Angelina Quinto at Klarisse de Guzman. Bukod pa ito sa mga special productions numbers nina Sarah Geronimo, Inigo Pascual, Kim Chiu at marami pang iba.

Well-represented din ng mga lead stars and cast ang iba’t ibang programa ng ABS-CBN tulad ng “It’s Showtime” na pinangunahan ni Vice Ganda, ang “Magandang Buhay” nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, Juday Ann Santos sa “Paano Kita Mapapasalamatan,” Angel Locsin sa “Iba `Yan,” sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Paulo Avelino sa “Walang Hanggang Paalam,” sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Sam Milby sa “Ang Iyo ay Akin,” sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Heaven Peralejo, Kiko Estrada, Yves Flores at Michelle Vito sa “Bagong Umaga” at sina Coco Martin, Richard Gutierrez, Lorna Tolentino, Rowell Santiago at Tirso Cruz III at marami pang iba.

Hindi man intentional, nasa magkatapat na programa ang mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual gayundin ang magkasintahang Catriona Gray at Sam Milby. Sina Inigo at Sam ay nasa “ASAP Natin `To” habang kasama naman sa mga main hosts ng bagong simulang “Sunday Noontime Live” ng TV5 sina Piolo at Catriona.

Simula naman kahapon, araw ng Lunes, October 19 ay nagsimula ang salpukan ng apat na noontime shows- ang “It’s Showtime” ng Kapamilya Channel na napapanood din sa A2Z Channel 11, ang “Eat Bulaga” ng GMA, ang “Happy Time” ng Net25 at ang bagong simulang noontime program ng TV5, ang “Lunch Out Loud” kung saan ang hosts ay nagmula sa ABS-CBN tulad nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas at Wacky Kiray except for KC Montero at ang internet star na si Macoy Dubs (Mark Averilla).

Pero sa halip na magpatayan in terms of rating, maging masaya na lamang tayo dahil maraming programa ang mapagpipilian at magbibigay ng entertainment at saya. Indikasyon ito na sa kabila ng pandemya ay marami ring talents and production staff ang nabibigyan ng trabaho. Ang siguradong panalo rito ay ang televiewers.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger