Kylie Padilla 3M na ang followers sa Instagram

July 01, 2020
Kylie Padilla
Kylie Padilla

UMABOT na sa tatlong milyon ang followers ni Kylie Padilla sa Instagram.

Kaya naman, pinasalamatan ng aktres ang lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Mensahe niya sa lahat para sa kanyang latest milestone, “Happy 3M everyone stay real, stay sane. Stay growing and ever changing.”

Samantala, kasalukuyang napapanood si Kylie sa rerun ng top-rating telefantasya na Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.