Kyline arangkada sa GMA7

June 04, 2019
Kyline Alcantara

MASAYA ang 16-year-old Kapuso teen-age star na si Kyline Alcantara dahil siya ang napisil ng GMA Network na mag-host sa online show ng original Filipino reality talent competition, ang Starstruck Season 7 kung saan sina Dindong Dantes at Jennylyn Mercado ang main hosts sa mainstream program along with Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo bilang  judges.

Kahit nitong 2017 lamang naging Kapuso si Kyline ay agad umarangkada ang kanyang career matapos niyang manatili sa Kapamilya network for several years.

Ang kauna-unahang TV series ni Kyline sa GMA na “Kambal Karibal” ay nakapagbigay sa kanya ng tatlong awards mula sa PMPC Star Awards for TV  as Best Drama Supporting Actress, Best Supporting Actress mula sa 1st Asian Academy Cinema Awards at Alta Media Icon Awards nung isang taon (2018).  Ito’y labas pa sa kanyang award mula sa 10th PMPC Star Awards for Music as Best New Female Recording Artist for her song “Sundo”.

Ang kanyang self-titled debut album under GMA Records na “Kyline Alcantara” ay nakalabas na rin and has recorded several songs na ginawang theme song ng ilang programa sa GMA at kasama na rito ang theme song ng bago niyang serye sa Kapuso Network, ang “Kinang” at ang “Ako’y Isang Bituin” na magkasama nilang inawit ni Therese Malvar for the TV series “Inagaw na Bituin”.

Si Kyline ay regular na napapanood sa “Sunday Pinasaya” at “Studio 7” bukod pa sa kanyang magkakahiwalay na guestings sa iba’t ibang programa ng GMA tulad ng “Magpakailanman,” “Eat Bulaga,” “Daig Kayo ng Lola Ko,” “Dear Uge,” ‘Daddy’s Gurl,” “Bubble Gang,” “Pepito Manaloto,” “Wagas” at iba pa.

Ang online show ng Starstruck na pinamagatang “Inside Starstruck” ay nakatakdang mapanood sa YouTube Channel sa darating na June 10 (Monday) at 6 p.m.  Dito malalaman ang Top 20 hopefuls ng “Starstruck Season 7” at ang magiging journey ng mga kalahok hanggang mapili ang Ultimate Survivors.

Samantala, tulad ng ibang young celebrities, si Kyline ay produkto rin ng isang broken family. She was only four years old nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. But at a young age ay kinakitaan na ito ng talent sa pagkanta.  Pitong taong gulang siya nang mag-audition for “Star Circle Quest Kids” at lumabas siya sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network tulad ng ASAP Chillout, MMK (ng ilang beses), Wansapanataym (two times), Precious Hearts Romance,   Ipaglaban Mo at sa ibang teleserye tulad ng “Annaliza,” “You’re My Home,” “Pangako sa `Yo,’ “Born for You” at  ang pinakahuli ay ang “Wildflower” in 2017 bago siya lumipat sa Kapuso network.   Nakagawa rin siya ng dalawang pelikula in 2015, ang indie movie na “Hamog” ng Cinema One Originals at ang “Etiquettes for Mistresses” na pinagbidahan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, at Kim Chiu at iba pa.

Although na-train nang husto si Kyline sa bakuran ng Kapamilya Network, it was in GMA nang siya’y mag-shine nang husto.