Kyline kay Julie Anne: 'I love you'

May 19, 2020
Kyline Alcantara and Julie Anne San Jose
Kyline Alcantara and Julie Anne San Jose

ISANG short but sweet message ang pinost ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara para sa birthday ng kanyang idolong si Julie Anne San Jose. Ipinagdiwang ng Asia’s Pop Diva ang kanyang 26th birthday noong nakaraang Linggo. 

Mensahe ni Kyline kay Julie sa kanyang Instagram post, “Happiest birthday, juju! You know that I love you and until now I still look up to you. Thank you for all the pieces of advice, bilang ate at bilang katrabaho. More chika soon! You're an amazing person and may God bless you even more.” 

Magkasama ang dalawa sa musical variety show ng GMA na ‘All-Out Sundays.’