Kyline, nagliwaliw sa Singapore

December 08, 2018
Kyline Alcantara

Nagpa-extend ng isang araw si Kyline Alcantara sa mga big boss ng GMA Network para makapagliwaliw at makapamasyal sa pamosong Universal Studios sa Singapore.

Unang biyahe abroad ng La Nueva Kontrabida ang tinaguriang Merlion City ng Asya.

Ipinadala si Kyline ng network -- along with Michael V., Gabby Eigenmann, Miguel Tanfelix at ilang executives -- para sa inaugural awards ceremony ng Asian Academy Creative Awards (AACA) sa Capitol Theater nu’ng Biyernes ng gabi.

National winners ng AACA sina Bitoy, Gabby, Miguel at Kyline kaya awtomatikong nominado sila sa iba’t ibang acting categories.

Bigo mang naiuwi ng apat ang coveted golden goddess trophy ng AACA, masaya pa rin silang babalik ng ’Pinas dahil naging bahagi sila ng maiden edition ng isang award-giving body sa Singapore.

Pagbalik ni Kyline sa bansa, magsisimula na siyang magteyping ng Inagaw Na Bituin na kanyang pagbibidahan along with Therese Malvar; taping ulit ng Sunday PinaSaya at Studio 7, kung saan regular siyang napapanood.

Samantala, magkakaroon ng all-out Christmas party today sa Studio 7. Ilulunsad ni Kai sa programa ang kanyang first-ever Christmas single with Kapuso heartthrob Jeric Gonzales.