Kyline, nahawa kay Manolo

January 26, 2019
Kyline Alcantara

First taping day ni Manolo Pedrosa sa Inagaw Na Bituin nu’ng Biyernes sa UP Bliss pagkaraang pumasa sa isinagawang audition ng production ng bagong GMA show.

Gaganap si Manolo bilang Prince, leading man ni Kyline Alcantara sa pagbibidahang kantaserye na magsisimulang umere sa February 11 sa afternoon prime ng Kapuso network.

Huling napanood ang Chinito actor sa Pamilya Roces at aniya, hindi niya in-expect na mabibigyan agad siya ng follow-up project.

“I just did a scene with Kyline,” simula ng aktor sa set ng series, “and  I’m very happy na napili ako kasi nag-audition ako last week. I’m very comfortable na with Kyline kasi nagkasama na kami sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko and I felt connected agad ako with her. We clicked and so I’m hoping ma-further pa ’yung relationship namin (as artists),” kuwento ni Manolo.

Ang impresyon niya sa bagong leading lady?

“Very mature for her age, very professional, very friendly. She’s very open, walang walls. I got very comfortable with her,” sambit ng binata.

Samantala, happy si Kyline dahil finally, may leading man na siya.

“Nahawa ako sa kanya (Manolo),” na sinundan ni Kai ng isang malakas na tawa. “Nabubulul-bulol din ako. Pero sa totoo, masayang kasama sa set si Manolo. At nagda-diet siya so, malay ninyo, maimpluwensiyahan niya ako?”

Ang Inagaw Na Bituin ay mula sa direksyon ni Mark Reyes. Bida rin sa kantaserye ang Moscow filmfest best actress na si Therese Malvar.