Home>Entertainment>Showbiz>Kyline ready na sa more (mature) challenging roles

Kyline ready na sa more (mature) challenging roles

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

NGAYONG 18 years old na ang Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara, inamin niyang handa na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.

Aniya, “I will accept more ‘mature’ or like ‘challenging roles’ because people will expect more from me. So that’s a challenge for me and I like challenges.”

“Feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up. So, yeah. I think I’m ready to mature but not in a very sexual way,” dagdag pa niya.

Hiling din ni Kyline para sa kanyang kaarawan ay mas dumami pa ang kanyang “Sunflowers,” ang tawag sa kanyang fans.

“Gusto ko mas dumami ‘yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course. With my family, maging safe po, mas humaba pa po ‘yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po,” lahad ng Kapuso star.

Habang hindi pa nagbabalik-telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, napapanood si Kyline sa All-Out Sundays tuwing Linggo at sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Chynna may pa-throwback with Kean

Chynna Ortaleza and Kean CiprianoISANG throwback picture nila ng asawang si Kean Cipriano bago magpakasal ang ibinahagi ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza sa Instagram.

“Thinking about the exact feeling we had when we were about to enter the church…Such peace & comfort knowing that God was pleased,” caption niya rito.

Kuwento ng ‘Idol sa Kusina’ host, “On both wedding dates 2015 & 2017, I knew I was on the right path. Not a tinge of doubt or anxiousness was present in my being. I prayed for a partner and Kean came into view. He isn’t perfect but I was able to see past all his small faults & straight into his heart. Kind soul you got there sir…and oo nga naman may itsura ka rin naman…so bonus! I love you bro!”

Sa huli, pinasalamatan ni Chynna sa Kean para sa lahat ng pinagsamahan nila, “Salamat sa lahat lahat. Hindi pa natin anniversary.. trip ko lang mag express ng pagmamahal at gratitude sa iyo at sa Maykapal.”

John Vic from volleyball to acting

John Vic De GuzmanMAY bagong contract star ang dapat abangan sa GMA Artist Center. Ito ay ang volleyball superstar na si John Vic De Guzman. Kilala bilang Face of Philippine Volleyball, ibinahagi ni John ang saya sa pagiging bagong Kapuso. “Sobrang excited ‘tsaka hindi ako makapaniwala. Siyempre, isa itong achievement sa life ko, bago mag-retire sa volleyball.”

“Sobrang happy ako dahil magkakaroon ako ng chance na ma-improve pa ‘yung acting skills ko at maipakita na ‘yung talent ko not just for sports,” dagdag pa ng celebrity athlete.

Bukod sa pagiging atleta, isa ring host at sports analyst si John Vic. Willing din daw siyang subukan ang iba’t ibang roles upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa pag-arte. Kuwento niya, “For me, anything na puwede ibigay sa akin na role tatanggapin ko. Lahat naman ‘yan, part ng process. Kumbaga kahit sa volleyball kailangan mag-training ka, mag-workshop ka. So, kung ano man ‘yung maibigay sa akin, bibigyan naman ako ng time para mapag-aralan ‘yung mga dapat kong gawin.”

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal