Home>Entertainment>Showbiz>Kyline: Self-love is real love

Kyline: Self-love is real love

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

SA isang Instagram post, may importanteng mensaheng ibinahagi ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kaniyang followers. Bilang selebrasyon na rin sa International Women’s Month, isa siya sa female celebrities na advocate ng self-love.

Aniya sa caption, “Self-love is real love. It is as real as it can be. So, flaunt that marks, loosen up that unruly hair, smile with your crooked teeth, and be PROUD of your imperfections. No judgment just self-love. Start love with yourself and everything will follow. Since we are normalizing a lot of things now, why don’t we normalize self-love?”

Dagdag pa ng aktres, simula raw nang mahalin niya ang sarili, naging maganda at maayos raw ang kanyang pakiramdam. Kaya naman, hinihikayat din niya ang lahat na subukan ito.

Samantala, nalalapit na ang pagtatapos ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series ni Kyline na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ kung saan siya ay gumaganap na Maggie. Napapanood din siya sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo.

Jillian abala sa pag-aayos ng bahay

Jillian Ward
Jillian Ward

MATAPOS ang tagumpay ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, pinagtutuunan ngayon ng atensyon ng teen actress na si Jillian Ward ang pag-aayos ng kanilang second home sa Pampanga.

Sa Instagram, nagbigay siya ng update sa pinamiling appliances para rito. Kamakailan lang ay nai-tour rin niya ang fans sa bagong bahay na ito sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel.

Dito, ipinakita ni Jillian ang kaniyang magiging kuwarto, “My room is really lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some of Van Gogh’s paintings in there.”

Starry night?

TBATS wagi sa Best Choice Awards

Boobay and Tekla
Boobay and Tekla

PINARANGALAN sina Boobay at Tekla, pati na rin ang The Boobay and Tekla Show (TBATS), sa katatapos lamang na virtual awarding ceremony ng Best Choice Awards for 2020-2021 nitong Sabado, March 20.

Nakamit nina Boobay at Tekla ang ‘Most Outstanding Stand-up Comedian’ award habang natanggap naman ng The Boobay and Tekla Show ang ‘Most Outstanding Variety Show’ award.

Sa isang Instagram post ay nagpaabot ng pasasalamat ang host ng TBATS na si Tekla, “Maraming maraming salamat sa Best Choice Awards sa binigay nyong parangal sa amin ni @boobay7 at sa The Boobay and Tekla Show @boobayandtekla. To God be the Glory! #TBATS”

Congratulations, mga Ka-‘TBATS!’

Sing For Hearts pinakabagong singing competition sa GMA

OPEN na ang auditions para sa newest singing competition ng GMA Network, ang ‘Sing For Hearts.’

Para sa mga aspiring singers na kayang magpakilig with their looks and voice, ito na ang pagkakataon hindi lang para maipamalas ang galing sa pagkanta kung hindi para makilala rin ang makaka-duet ninyo for life.

Bukas ang auditions para sa solo male and female singers, single, at may edad na 21-30 years old. Ipadala ang audition videos (via direct message) sa GMA Talent Search Facebook page kalakip ang mga detalye kabilang ang name, age, at contact details. Maaaring ipadala ang audition videos hanggang April 8.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal