Kyline sinuwerte sa siyete

June 13, 2019
Kyline Alcantara

NAPAKASUWERTE ng 16-year-old Kapuso teen singer-actress an si Kyline Alcantara dahil siya ang napisil ng GMA na maging host ng online show na “Inside Starstruck” ng ika-7 season ng reality talent show hosted on mainstream TV ng Primetime King na si Dingdong Dantes at Ultimate Female Star ng kauna-unahang season ng Starstruck na si Jennylyn Mercado.

Si Kyline ang magbibigay ng daily update sa journey ng 22 Starstruck hopefuls which will later be trimmed down to Final 14 at dito naman kukunin ang magiging Ultimate Male and Female Survivors.

Although nagsimula si Kyline sa bakuran ng Kapamilya Network since she was 7 years old nang siya’y mag-audition sa Star Circle Quest segment ng dating show na “Ruffa and Ai” nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai de las Alas, sa GMA siya nabigyan ng malaking break.  Mula sa primetime TV series na “Kambal Karibal” na pinagsamahan nila nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Pauline Mendoza, ito’y sinundan ng “Inday Will Always Love You with Barbie Forteza at ang “Inagaw na Bituin” nila ni Therese Malvar.

Sa GMA Records naman nagkaroon si Kyline ng self-titled debut album  na “Kyline Alcantara” at nagkaroon din siya ng pagkakataon na umawit ng theme songs ng ilang serye ng Siete tulad ng “Para Kang Baliw” (“While You’re Sleeing”), “Bukas Na Lang” (mula sa “Asawa Ko, Karibal Ko), ang duet nila ni Therese Malvar sa “Ako’y Isang Bituin” (ng “Inagaw na Bituin”) at ang “Kinang” (mula pa rin sa “Inagaw na Bituin”.

Apat na taong gulang pa lamang noon si Kyline nang magkahiwalay ang kanyang parents at bunso siya sa tatlong magkakapatid. Nang gumanda na ang kapalaran niya sa showbiz ay nagkabalikan ang kanyang mga magulang.

Kamakailan lamang ay nakabili na si Kyline ng isang van na kailangan niya sa kanyang trabaho.