LA Santos front act muli ng isang international act

November 16, 2018

HINDI itinatago ng 17-year-old singer and Star Music recording artist na si LA Santos at ng kanyang pamilya  na nagkaroon  siya ng ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) since he was a kid pero ito’y  na-control at na-overcome dahil sa unconditional support sa kanya ng ina, ang CPA-turned successful businesswoman na si Flor Santos, at pamilya.  Malaking factor din ang pagkahilig niya sa musika at pagkanta na suportado rin ng kanyang pamilya.

Si LA ay nagkaroon ng chance na mag-guest sa concert ng singer-actor na si Ian Veneracion sa Cebu City nung April 21, 2018 na sinundan ng kanyang successful debut concert sa Music Museum last April 30, 2018 na pinamagatang #Petmalu na dinirek ni Lean Inigo and produced ng kanyang manager-concert producer na si JoEd Serrano.  Naging special guest performers ni LA sa kanyang Music Museum concert sina Ian Veneracion, Jaya, Jona, Michael Pangilinan, ang mga Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire de la Fuente kasama si Boobsie Wonderland at sister ni LA na si Kanisha.

Muli na namang maggi-guest o front act sa isang foreign act si LA  this time  sa concert ng American grammy winner na si Patti Austin sa The Theatre at Solaire (ng Solaire Resort & Casino in Paranaque City) on December 6 (Thursday) at 8 p.m. at sa Alonte Sports Arena on December 9 (Sunday), 8 p.m. kung saan ka-back-to-back ng American Soul Diva ang Pinoy Soul Diva na si Jaya.