Labing-isang dating miss universe ang nakasaksi sa tagumpay ni Catriona

December 22, 2018

SA bihirang pagkakataon ay 11 na dating Miss Universe ang dumalo sa ika-67th edition ng nasabing international beauty pageant na ginanap sa Impact Arena ng Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand nung nakaraang Lunes ng umaga, December 17 pero anim lamang dito ang nakasama ng bagong Miss Universe na si Catriona Gray sa isang rare photo op matapos makoronahan ang kinatawan ng Pilipinas.  Isinalin kay Catriona ang korona ng 2017 Miss Universe, ang Miss South Africa na si Demi Leigh Nel-Peters.

Ang anim sa 11 former Miss Universe mula sa iba’t ibang bansa na nakasama ni Catriona sa picture ay sina Gabriella Isler ng Venezuela (2013), Denise Quinones ng Puerto Rico (2001), Lupita Jones ng Mexico (1991), Natalie Glebova ng Canada (2005), Iris Mittenaere ng Fance (2016) at si Pia Wurtzbach ng Philippines (2015).

Samantala, pang-apat ang Pilipinas sa buong mundo ang nakakuha ng apat na korona mula sa Miss Universe na pinangungunahan ng United States of America with eight crowns, kasunod ang Venezuela with seven at pangatlo ang Puerto Rico with 5.  Ang bansang Sweden ay nakapag-uwi ng tatlo at tigda-dalawa naman ang South Africa, France, Colombia, Mexico, Japan, Canada, Thailand, Australia, India, Trinidad and Tobago, Finland at Brazil.  Tig-iisang korona naman ang nakuha ng Angola, Dominican Republic, Panama, Russia, Botswana, Namibia, Norway, Netherlands, Chile, New Zealand, Israel, Spain, Lebanon, Greece, Agentina, Germany at Peru.

Ang kauna-unahang Miss Universe (1952) na si Armi Helena Kuusela ng France ay Filipino businessman na si Virgilio Hilario ang napangasawa.  Ang dalawa ay ikinasal nung May 4, 1953 matapos ang whirlwind courtship ng dalawa na unang nagkita at nagkakilala  sa isang international expo trade center in Baguio City na dinaluhan ni Armi bilang Miss Universe at kung saan naroon din si Virgilio.

Hindi na tinapos ni Armi ang kanyang term bilang Miss Universe matapos itong ma-in love at pakasalan si Virgilio.  Ang mag-asawa ay nagkaroon ng limang anak - sina Mikko, Ana-Lisa, Jussi, Arne at Eva-Marie.

Nang sumakabilang-buhay si Virgilio nung September 7, 1975 dahil sa atake sa puso, three years later ay muling nag-asawa si Armi sa isang American diplomat na si Albert Williams.  Ang dalawa ay ikinasal nung June 8, 1978.