Lea inaabangan na sa special concer

August 08, 2019
Lea Salonga

NGAYON pa lamang ay inaabangan na ang rare performance ng original Filipino West End and Broadway star at “The Voice Phippines” judge and stage royalty na si  Lea Salonga sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) sa Resorts World Manila (RWM) sa darating na August 30 & 31, 2019 na pinamagatang “Lea Salonga: Perfect Ten” na special two-night concert nito sa ika-10  anniversary celebration ng resort-hotel where

Lea had her first performance sa Grand Fiesta Manila celebration back in 2009 sa bagong bukas na Resorts World Manila 10 years ago.

Makakasama ni Lea as special guests ang kaisa-isa niyang anak na si Nicole Chien, ang stage actress na si Tanya Manalang, Esang de Torres at ang kilalang singer, stage actor at writer na si Michael Lee kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Lea’s brother na si Gerard Salonga as musical director.  Ito rin bale ang magiging reunion project ng magkapatid na Lea at Gerard matapos nilang magsama sa mga major concerts ni Lea in the Philippnes.

Ang “Lea Salonga: Perfect Ten” two-night concert na nakatakdang idirek ni Floy Quintos  at the Newport Performing Arts Theater ay presented ng Resorts World Manila in cooperation with Ultimate Shows, Inc. and Full House Theater Company, Inc.